Hindi gumagalaw si Adelhine. Nakatitig lang siya sa puting kisame ng kaniyang silid, walang ibang nasa isip kung hindi ang pinag-usapan nila ni Matteo noong nakaraang araw. Wala pa siyang sinasabi kay Gabby na kahit ano, dahil alam na niya ang gagawin nito. At ayaw naman niyang ipagtulakan siya ng kaibigan. May tiwala ito sa kaniya na gagawin niya ang lahat para sa kanilang kompanya, ngunit kapag nakita nito na nag-aalinlangan siya, hindi malabong pangunahan na naman siya nito. She put her arm on her forehead, then closed her eyes. She wanted to think, but nothing came into her mind. Iisa lang naman kasi ang isinisigaw niyon, at iyon ay ang tanggapin ang iniaalok ng lalaki. Tumagilid siya at tumitig sa kamay nang umiikot na orasan. Ang mas lalong ikinagugulo ng kaniyang isipan, bakit b

