Tunog ng mga kubyertos ang tanging naririnig sa pang-apatang dining table ni Adelhine. Pareho lang silang tahimik ni Matteo habang kumakain. Pabor naman sa kaniya dahil sa tuwing bubukas ang bibig ng lalaki, naiinis siya. Matteo is a great cook. Kung hindi niya alam na HR head ito, iisipin na lang niyang chef talaga ang propesyon ng lalaki. Hindi lang naman carbonara ang niluto nito, na ginawa nitong seafood pasta. Nagluto rin ito ng buttered shrimp and crabs, at steamed lobster. Ang talaba naman, fresh lang nitong inihayin na may kasamang lemon at hot spicy sauce. Kanina rin niya naunawaan, habang pinanonood ang bawat galaw nito sa kusina, kung gaano ito kaliksing kumilos. Iyon siguro ang dahilan kung bakit saglit lang itong makaluto. Daig pa nito ang nasa Hell’s Kitchen ni Gordon Rams

