Pagkatapos na maihatid ni Matteo si Adelhine. Nagtungo siya sa isang lugar na ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya pupuntahan kahit na kailan. Subalit, may mga pangako talagang hindi natutupad lalo na kung kinakailangan. Lalo na kung kaligtasan nang isa sa ngayo’y itinuturing niyang pinakamahalagang tao sa kaniya ang nakasalalay. Wala talaga siyang balak na umamin kay Adelhine. Ang nasa isip niya ay ang kung ano ba ang dapat niyang i-prayoridad. However, he was triggered by what happened to her. Natakot siya nang malamang nalagay sa alanganin ang buhay nito. Hindi man niya gustong isipin, subalit hindi mawala sa kaniya na baka siya mismo ang dahilan kung bakit inatake ito nang hindi pa nila nakikilalang salarin. Baka siya mismo ang naglagay sa alanganin sa buhay ng babae. Dah

