Lithian Isang linggo na rin pala magmula nang ma-realized ko sa sarili ko na tama na ang pagkukunwari. Nasasaktan ako oo, pero hindi dapat akong makulong sa kalungkutan kong iyon. That's why I decided na ibalik ang bisyo ko, mag-ditch ng class, magyosi, mangbabae at mag-inom ng alak. Oo nasasaktan ako kasi hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya. Naiisip ko pa rin 'yung sakit na idinulot niya sa akin las two years ago. Flashback.. First year anniversary sana namin 'yon, iyon din sana 'yung huling araw na magkikita kami dahil iyon din 'yung araw ng flight ko papuntang US. Sabi ko sa kaniya, kung talagang kami para sa isa't isa at mahihintay niya ang pagbabalik ko. Kinakailangan ko kasing mag-migrate sa Us no'n dahil nag-decide sina mommy at daddy na roon na ako magtapos ng high school.

