"Keena? Ikaw ba 'yan?" Paulit-ulit na nagsink-in 'yon sa isipan ko.
Bakit ba ganito? Maraming nakakakilala sa akin na hindi ko naman kilala. Hindi ko na maintindihan.
Parte rin ba siya ng nakaraan ko?
Nakatingin lamang silang dalawa sa akin habang nananatili pa rin akong walang kibo.
Hanggang sa marinig ko na lang ang pagsagot ni Morisette. "Francine, oo, siya nga si Keena.."
Yes, thankyou for saving me, Morisette.
Mapapanatag na sana ako, e, pero bigla naman nagbago ang expression ng mukha niya. At tila ininsulto pa ako. "Sabi ko na, e. Hindi ka naman pala gano'n kaganda sa personal," mataray niyang sabi kaya nagtaka ako.
"At bakit? Saan mo pa ba ako nakita?" sarkastikong pagkakatanong ko.
Napangisi siya. "Look, who's pretending to be innocent about her past," natatawang aniya. "Nakakatawa ka, alam mo, hindi na ko magtataka kung bakit hindi ka na babalikan ni Lithian, you don't deserve a chance. You slut!"
Wait. Ano raw? Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi kita maintindi--"
Natigilan ako sa aking sasabihin dahil.. sinampal niya ako. Ano bang karapatan niya para gawin niya 'yon.
Agad ko namang hinawakan ang pisngi ko na nalapatan ng palad niya. Masakit siyempre. Habang si Morisette ay halatang gulat na gulat sa nakita.
"Well, take it as my grand entrance for ruining your life. Dahil inagaw mo lang naman ang dapat na para sa akin." Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. "Let's go, Morisette, medyo nangangamoy BASURA na rito, e. Let's go!" Mabilis niyang hinila si Morisette paalis at nakita kong napalingon pa siya sa akin na tila may mga katanungan sa mga mata.
Naiwan ako na tulala at wala sa sarili. Paulit-ulit pa rin pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya.
"Look who's pretending to be innocent about her past."
"Nakakatawa ka. Alam mo, hindi na ko magtataka kung bakit hindi ka na babalikan ni Lithian. You don't deserve a chance. You slut!"
Anong sakit para sa akin na marinig ang mga katagang 'yon. At sa tuwin ay bigla ko ring naalala 'yung araw na nagkita kami ni Beatrice..
"Look, Keena, napakaliit nga naman ng mundo. Akalain mo magkikita pa pala tayo rito?"
"Oh, bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ka ba masaya na nandito na ang karibal mo?"
Ano bang nangyayari? Gulong- gulo na ako. Paano ako magiging ex ni Lithian kung ngayon lang naman kami nagkakilala?
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha sa mga mata ko. At kung parte nga sila ng nakaraan ko ay ayoko nang balikan pa 'yon. Hindi ko namalayan na malapit na pala akong makalabas ng sports center. Sa aking paglalakad ay agad akong natigilan nang biglang may humawak nang mahigpit sa braso ko.
"Vincent.." matamlay na pagkakasabi ko. Hindi ko alam pero sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay bigla ko siyang niyakap at doon patuloy na umiyak. At thank you sa kaniya dahil naroon siya para maging sandalan ko ng mga oras na 'yon.
Pinasakay niya ako sa kaniyang kotse at pumunta kami sa park na malapit lang sa village namin.
Umiiyak pa rin ako hanggang makarating kami sa park.
"Sssshhh tahan na.. bakit ka ba kasi umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.
"Gulong-gulo na ako, Vincent.. lahat ng nangyayari sa akin ay hindi ko maintindihan.." sabi ko habang nakatingin lamang ako sa mga batang naglalaro sa paligid.
Hinawakan niya ang balikat ko at sinabi, "Keena, hindi ko rin alam kung paano ipaliliwanag kung anuman ang nangyari sa'yo noon, dahil ngayon lang naman tayo nagkakilala, pero tandaan mo na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sa'yo. Kaya tahan na, hah?"
"Hay, Vincent, buti at nandito ka.." bulong ng isip ko.
"Vincent, sa tingin mo ba ay masama akong tao dati?" Halatang nagulat naman siya sa tanong ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita,
"May amnesia ako, Vincent," matipid kong sagot.
"Ha? Totoo ba 'yan?" Napatango lang ako bilang sagot.
"P-paano nangyari? Sabihin mo sa akin, Keena.."
Napatingin ako sa mga mata niya. Punung-puno iyon ng curiosity at para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Sabi ng mama ko, two years ago, naaksidente ang sinasakyan kong kotse. Na-comatose ako ng two months, at lahat ng pera na kinikita namin sa negosyo ay naubos sa bills namin sa hospital. Pero hindi inalala 'yon ni Mama, ang mahalaga raw ay nabuhay pa ako. Pero ang sabi rin ng doktor, 50/50 lang daw ang chance na makaalala pa ako. Lahat ng old memories ko ay nabura, pero buti na lang sila Mama ay hindi ko nakalimutan, maging ang childhood best friend ko. Pero 'yung mga memories namin pati ni Papa nung nabubuhay pa siya ay nawala."
Napasabunot na lang si Vincent sa mukha niya gamit ang dalawang palad.
"s**t!" Nagtaka naman ako sa naging reaksyon niya.
"Bakit, Vincent?"
Mukhang malalim ang iniisip niya. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
Pagkabitiw namin sa yakap na 'yon ay napansin ko ang kaniyang mata na punung-puno ng emosyon.
"Keena, pwede bang huwag ka na munang umalis sa tabi ko. Pwede bang.. dito ka lang."
Hindi ko alam pero iba ang dating sa akin ng mga binitawan niyang salita.
Animo'y biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang abnormal naman 'tong puso ko, e, biglang tumitibok.
"Oo, Vincent.. dito lang ako," sagot ko at napangiti lang siya.
Sa isip ko ay hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Hanggang masabi ko na lang na, "Vincent Carl Garcia, gusto na 'yata kita.
--
Lithian
After ng Intramurals ay naisipan ko nang umuwi. Napagod ako ngayong araw, lalo na sa mga babaeng halos lamugin na ako sa kilig. Naiinis talaga 'ko sa mga babaeng maharot sa totoo lang.
Pagkalabas ko ng gate ay nadaanan ko sina Keena at Vincent na magkasama. Pero hindi 'yun ang ikinabahala ko dahil umiiyak si Keena. At bakit? Nagulat pa nga ako nang bigla niyang yakapin si Vincent.
Parang may kung anong bumiak sa puso ko.
Sumakay sila sa kotse ni Vincent, hindi ko alam ang nasa isip ko kung bakit naisipan ko silang sundan. Tumigil sila sa isang park. Pamilyar ang lugar na 'yok para sa amin ni Keena.
Hay putek! Bakit ko ba 'yon inaalala?
Nasa loob lang ako ng kotse ko. Luckily ay tinted ang salamin ng bintana ng kotse ko kaya hindi makikita masyado ang tao sa loob.
Pinagmamasdan ko lang sila at iyak pa rin ng iyak si Keena.
Ano kaya ang nangyari sa kaniya?
Hindi ko kasi naririnig ang pinag-uusapan nila pero kitang-kita ko sa reaksyon ng mukha niya ang sakit na nararamdaman. Maya-maya pa ay niyakap siya ni Vincent. Kakaiba na ang feeling ko ngayon, parang nasasaktan ako.
Nabuo ang maraming katanungan sa isip ko.
Ano kayang problema niya?
Naka-move on na ba talaga siya sa akin?
Masaya na ba siya sa piling ni Vincent?
Ang gulo. Alam kong masaya na siya, e. Masaya na siya sa presence ni Vincent at wala na akong karapatan. Pero, s**t! Lumuluha na pala ako.
Oo! Ang sakit pa rin pala.
Dalawang taon na ang nakalipas.
Dalawang taon akong naghintay at umasa.
Pero ang mas masakit pa 'ron,
Parang wala lang ako sa kaniya at parang hindi ako naging parte ng buhay niya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at may isang katanungan sa isip ko na tila naghahanap ng kasagutan.
Keena, mahal pa ba kita?