Unti unti nakakamit ko na ang lahat ng nakapagpapasaya sa akin sa mundo. Noong akala ko ay magiging ordinaryo lamang akong tao at hihintayin ang araw ng pagkamatay, hindi ako nag-isip na pwede pang may ibang mangyari sa kapalaran ko. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkaroon ako ng second chance para umibig muli. Hindi ko hiniling ngunit kusa itong binigay sa akin. O baka naman, matagal na itong nasa tabi ko at ngayon ko lamang napansin. Kahit ano pa man iyon, nagpapasalamat pa rin ako sa nag-uumapaw na pagmamahal na natatanggap araw-araw. Kasalukuyang abala sa trabaho ang ka-isa isa kong anak na si Jack. Naka-work from home setup ito ngayon at may tinatapos na isang project. Kahit newbie pa lamang ito sa kanyang kompanya ay likas na may angking kagalingan ito kaya naman naging parte n

