Halos mahimatay ako sa takot nang maramdaman ko ang hindi pamilyar na katawang lumapit sa akin. Tumigil ang t***k ng puso ko nang makita si Jack na hawak ng dalawang kalalakihang hula ko ay mga tauhan ni Crista. Ganun na lamang ang laking gulat ko nang biglang magsalita ang nasa likod ko, "Huwag kang maingay. Tutulungan ko kayo." Sinenyasan nito ang tatlo pang lalaki sa likod ng mga puno at doon ko na lang napansin ang kanilang kakaibang mga kasuotan at kulay ng balat. Tinanggal ng lalaki ang paghawak sa bibig ko. Naluluha akong nagsalita, "Please. Iligtas niyo yung anak ko. Parang awa niyo na." Tumango ang mga ito sa akin at saka nag-sigalaw. Isa sa mga ito ay tinignan ako sa mga mata. "Dito ka muna. Wag kang aalis dito." May mga sinabi pa ito sa mga kasama niya na hindi ko mainti

