Hindi na nga siguro namin maitatago pa ni Jack ang totoo. Tinanggap kami ni Jonah at sa sandaling iyon, hiniling ko na sana lahat ay maging ganon rin ang opinyon ng lahat tungkol sa amin. "Ma dahan dahan lang, wag masyado mag-isip," bilin sa akin ni Jack habang hawak hawak ang kamay ko. Magkatabi kami ngayon sa hospitalbed nito. Ayon sa doktor, kinakailangan pa niyang magpagaling at macheck ng ilang beses bago makauwi. Napabuntong hininga ako at napatingin sa magkahawak na kamay namin ni Jack. Kahit kailan talaga, hindi nito binitawan ang aking kamay. Mahal na mahal ako ni Jack at ganun rin ang nararamdaman ko para dito. Pero hanggang saan kami dadalhin ng pagiibigan namin? Bago pa ako makapag-isip ng mas malalim ay dinala ni Jack ang kamay ko sa bibig niya at hinalik-halikan ito. Na

