Ilang araw matapos ang nangyari sa amin ni Jack ay bumalik kami sa dati gaya ng sabi ni Jonah. Hindi na iritable ang anak ko at nakakausap ko na ulit siya ng maayos. Nagpatuloy kami ng anak ko sa buhay na parang walang nangyari. Sa pag-iisip ko, mas mabuti na rin iyon. Baka nga kailangan lang nya ma-release ang kung anong kinikimkim niya. At thankfully, hindi na nasundan ang nangyari. Masaya ako dahil nagbalik na kami sa dati. Lumipas ang ilang linggong masaya kaming namuhay biglang mag-ina lamang. Hindi na rin namin muli pang pinag-usapan ang nangyari. Parang naging ala-ala na lang ito ng kahapong nagdaan. Ika nga nila, past is past. Ngunit isang araw... Nasa trabaho na ako nang bigla akong nakaramdam ng masama. Bigla na lamang ako nahilo at nag-simulang mag-suka. "Mars, baka nama

