Pagmulat ko ng mga mata ay kaagad kong nakita ang isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin. Napaupo ako kaagad at tumingin sa paligid. Hindi ko mapigilang kabahan. Nasa isang silid ako na halos kulay puti at itim bawat sulok at bagay. Halos walang laman ang silid maliban sa malaking kama kung saan ako nagising. Palakas ng palakas ang t***k ng puso ko habang iniisip ang mga nangyari. Pag-bukas ko ng pinto noon, nakita ko si Crista. Magsasalita na sana ako nang biglang may kung anong bagay na dumampi sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay. At hindi nga ako nagkakamali. Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto at tumambad sa akin si Crista. "Crista... Anong ibig sabihin nito? Saan mo ko dinala?" tanong ko kay Crista. Mukhang nakasarado ang lahat ng bintana at pinto nito kaya kailangan k

