Nang lumabas ako sa office ni Sir ay lalo ‘ko pang pinagalitan ang sarili. Ano ‘yon, Behati? Anong sinabi mo kay Sir? Anong ‘yun lang’? Ano pa bang inaasahan mo? I sighed. Gusto ‘ko kurutin ang sarili dahil sa sinabi. Feeling ‘ko ay namumula pa ‘rin ang mukha ‘ko dahil sa hiya.
Anong 'ahh'? you sounded disappointed Behati! Mukhang nag-eexpect ka talaga! Nakakahiya! Argh!
Napapaypay ako. Grabe, ang init! Nakakahiya! Kung ano-ano ang pinag-iiisip 'ko habang nandon! Mukhang nalason na ang pag-iisip 'ko, huh?
“Hoy!” Georgia shouted.
Napahinto ako at napapikit! Talagang napahawak ako sa’king dibdib dahil sa gulat. Bwisit talaga sila! Kasalanan nila kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ‘ko! Sila talaga iyon!
Georgia chuckled, “Masyado kang nagugulat ha!” She wiggled her brows. Nang-aasar. Bahagya naman akong nahiya ng maalala ang nangyari kanina!
Ayoko ng alalahanin 'yon. ..
“May nangyari ba?” Naningkit ang mata ni Bryson. “Ikaw ha! Anong nangyari ‘don?” Niyakap ni Bryson ang braso ‘ko. Ganon ‘din ang ginawa ni Georgia sa kabila.
Ganito ang ginagawa nila pag hinuhuli ako. “Akala ‘ko umuwi na kayo?” Tanong ‘ko na lang.
Akala ‘ko talaga ay umuwi na sila. Mukhang makiki-chika pa talaga ang mga ‘to!
Wala akong balak i-kwento ang nangyari. Bakit 'ko naman ik-kwento? Mukha lang akong horny na babae!
Natulala ako at muling naalala ang nangyari sa office ni sir. Sandali lang iyon, pero halos lagutan ako ng hininga!
Tumawa naman si Bryson, “Girl, binabantayan ka namin!” he chuckled.
Kumunot ang noo ‘ko. Bakit naman? Sira talaga ang mga ‘to! Chi-chismis pa! Kahit anong gawin nila ay hindi ‘ko iku-kwento ang nangyari kanina! Nakakahiya talaga! At isa pa Behati, what the hell is wrong with you! Bakit hindi ka humihinga kanina!?
God, nang maalala ‘ko ‘yon ay napailing ako. Talagang nakalimutan ‘ko huminga kanina, huh? I am ridiculous! Shameless!
“Wala ‘ka pang sampung minuto ‘don.” Georgia sighed in disappointment. “Iiwan ka na sana namin kung twenty minutes ka ‘don. Kasabay mo naman na si Sir ‘eh.” She chuckled.
Nanlaki ang mata ‘ko at binatukan si Georgia, “Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo!” Tanggi ‘ko pa. Kunyari ay walang ginawang kahihiyan kanina.
Tumatawa pa ‘rin sila ni Bryson. Napailing na lang ako. They’re hopeless!
“True sis. Iiwan ka na namin kasi i-uuwi ka naman ni Sir.” Ulit ni Bryson.
“Magtigil nga kayo!” Suway ‘ko sakanila. “Umuwi na kayo! Tigilan niyo. Hindi interesado sa’kin si Sir.” I explained. Sana ay makuha nila ‘yon. Kasi pati ako, kung ano-ano na ang nasasabi!
Baka kada-asar nila, magkagusto na talaga ako kay Sir! Tss!
“Sus. Paano pag nagustuhan ka?” Georgia laughed. She wiggled her brows. “Pwede na?” At sinundot niya ang beywang ‘ko. Natawa lang ako. Bwisit talaga. Lahat nalulusutan!
“Malay mo, Sir na pala ang regalo sayo ni Lord.” Si Bryson. “Malapit na ang birthday mo! Labas tayo ulit?” Si Bakla.
Napatili naman si Georgia sa sinabi ni Bryson, “Birthday niya na?!”
Mukhang nakalimutan niya na malapit na ako mag birthday. Next week na iyon. Friday ngayon at napag-desisyunan naming gumala at kumain sa mga tusok-tusok. Tatanggi pa sana ako kasi alam ‘ko na uusisain lang nila ako—pero Friday naman at next week na ang birthday ‘ko. ..
Nasa milktea shop kami ‘non ng i-open na naman nila ang tungkol kay Sir Epinoza.
This time, iba naman ang theme ng chika nila. Kung dati ay kabastusan, pangba-backstab, chismis sa ibang tao at lalaki, ngayon ay tungkol sa pagkatao ni Sir.
“I find him mysterious too.” Sang-ayon ‘ko kay Bryson kay Georgia, “Kailangan pag-usapan na natin si Sir, future partner na ng friend—aray naman!” Kinurot ‘ko si Bryson dahil sa pinagsasasabi niya. Nadamay na naman ako!
“Tigilan mo ‘ko.” I warned Bry. He just rolled his eyes.
“Tss. Ikaw ba si friend? Feelingera ‘to!” He fired.
I just stuck my tongue out before sipping my drink again. Inirapan lang ako ni bakla.
Matapos ang munting away namin, Bryson explained that he’s having sometimes chills or eerie feeling to Sir. Hindi chill na kaharutan, pero iyong pakiramdam ba na kikilabutan ka. Maraming may gusto kay Sir. But no one dared to joke him about it.
Dahil takot at intimidated kami sakanya. Wala pa kaming nakita na estudyante na nakipag-biruan sakanya because he told us—it should be that way. Hindi pa din naming nakikita si Sir na tumawa o ngumiti manlang sa harap ng klase. ..
“Isa pa, walang girlfriend si Sir ‘no? Mukhang mag-isa lang sa buhay.” Bryson sighed. “Handa akong samahan siya—“
Binatukan naman siya ni Georgia.
“Aray naman, sis! Bigat ng kamay!” He hissed. Inirapan lang siya ni Georgia. “Pero seryoso, ano kayang lahi ni Sir?” Tanong ulit ni bakla. Napailing na lang kami.
“Minsan natatakot ako sa boses ni Sir ‘eh.” Si Georgia. “Parang robot kung magsalita. Walang kabuhay-buhay. May sakit kaya si Sir?”
Kumunot ang noo ‘ko. “Sakit? Like what?’
“Sakit sa utak.” Kibit balikat ni Georgia. Napailing na lang ako at uminom. Wala talaga silang magawa kung hindi halukayin ang buhay ni Sir.
“Ikaw, Behati?” Georgia asked. “Anong nararamdaman mo towards kay Sir? Alam naman nating hindi mo siya gusto. Pero ano? Natatakot ka ba?” She added.
Napatigil ako sa pagsipsip ng milktea. Saglit 'kong inisip ang mga tanong niya. ..
“Hmm.” Simula ‘ko. “Hindi ako natatakot. Pero sa tuwing nagkakasalubong ang tingin namin, parang hindi ako makahinga.” I told them casually.
Tumitig sa’kin ang dalawa. Nakanganga. Ilang minuto pa ang lumipas at bumalanghit na sila ng tawa. Wala naman akong ideya kung bakit sila tumatawa. Na-brain freeze ‘ata.
“Anong sunod ‘non, Behati?” Tawa ni Bryson. “Sasabihin mo mabilis ‘rin ang t***k ng puso mo?”
Napahinto ako ‘don. Totoo. Iyon ang nararamdaman ‘ko. Pero nang ma-realize ‘ko kung bakit sila tumatawa ay nakisabay ako. Oo nga pala. They found it ridiculous. Tunog in love ako dahil sa sinabi. Kaya sila natawa.
Hays. Plus points sa'kin! Aasarin na naman nila ako!
Pero alam nila na hindi ‘ko talaga gusto si Sir. … Inaasar lang nila ako but they know how I really feel. .. Ngunit ngayon? Hindi 'ko na alam. Paano kasi! Lagi akong inaasar!
Natapos na ang usapin naming ‘yon at napag-desisyunan na naming umuwi.
Nang makarating sa dorm ay sinuway na naman ako ni Aling Pising. Anong oras na kasi ako nauwi dahil sa kwentuhan. Pinaakyat na ako nito sa silid at binantaan. Dinaan ‘ko na lang sa tawa ‘yon.
Muli ‘kong naalala ang usapin naming nila Georgia. Tunog in love ako sa sinabi ‘ko. Behati, ano ba? Wala ka ‘ata sa sarili ngayon? Hindi ako makahinga dahil kay Sir?
Natigil ako at napapikit. ..Totoo naman. Iyon talaga ang nararamdaman ‘ko. I am awe in his beauty. Inalala ‘ko ang pagkakataon na nakita ‘ko ng malapitan si Sir.
Pero wala. Hindi ‘ko maalala. ..Parang may nawawala sa alaala ‘ko. Pero hindi ‘ko iyon mapunto.
Sa tuwing nakikita ‘ko si Sir, kinakabahan ako. Hindi ako makahinga. Bumibilis ang t***k ng puso ‘ko. But not in a romantic way. I feel like burning.
I sighed. Ang daming nangyari ngayon pero pakiramdam ‘ko ay mayroong kulang. Parang may nawawala talaga. ..
Sabado ngayon at napag-desisyunan 'ko na dumaan sa grocery. My birthday will come this friday at may kaunting pera naman ako dito galing sa sidelines 'ko. I need to celebrate my birthday at least. ..
Busy ako sa pagtitig ng cake mixture at pancake mixture. What should I buy? Hindi dapat cake dahil. ..ang mahal masyado. Making a cake is so hard. Kaya't nakapag-desisyon ako na bibili na lang ng chocolate cupcake.
"Aragon. .."
Nanlaki ang mata 'ko ng makita si Sir sa tabi. My head slightly tilted. Si sir? Oh my god! Anong ginagawa niya dito?
I smiled. "Hi po. .."
Tumango ito at kumuha ng dalawang box ng pancake. "I'll go." Paalam niya.
"Okay po. .." I bit my lip. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin din ito sa'kin. Nag-iwas siya bago tuluyang umalis.
Napabuga naman ako ng hininga! Grabe! Anong ginagawa ni Sir dito? Nakakaka 'yon huh!? What a coincidence!
Monday na ngayon at asar na naman ang bungad sa’kin nila Georgia. We are laughing in the cafeteria that time. Pero napahinto ako sa pagtawa ng makita. ..Si Sir Espinoza?
He have a burned arms! I can see his wounds—it’s very fresh! Pero kung maglakad ito ay parang wala lang sakanya! Masakit iyon! Kitang-kita ‘ko ang sugat mula dito! Ang sunog niyang braso ay tila hindi rin napapansin ng ibang estudyante!
For petes sake! Ang paborito nilang guro ay naglalakad na may sunog sa braso! Bagong sugat lang ‘yon!
“Behati!” Tawag ni Georgia. “Makatingin kay Sir!” Tawa pa niya.
Kinabahan ako habang nakatingin sa braso ni Sir. “Hindi ba masakit kay Sir ‘yon?” I mumbled.
Nagkatinginan ang dalawa. Nagtataka.
Binatukan ako ni Bryson. ‘’Anong nakikita ka diyan, Behati?” He mocked.
“K-Kay Sir. ..” I stuttered.
I can't take the view! The wound in his arms are very fresh! Tustado ang balat nito at nakikita 'ko pa ang laman!
Tinignan nila si Sir Espinoza. Kumunot ang noo nilang dalawa. Bumalik ang tingin nila sa’kin.
“Ano, meron?” Tanong ‘ko. “Nakita mo?” I asked them. I was ready to talk about it to them. ..
Tumingin naman sila sa’kin ng seryoso. Mukhang nakita din ang tinutukoy ‘ko. Tahimik lang ang dalawa.
“Oo nga. ..” Dahan-dahang sabi ni Bryson. Nagkatinginan kaming tatlo ng pagkaseryoso.
“Anong nangyari kay Sir?” Tanong ‘ko sa dalawa. Bakit wala manlang talukbong ang sugat nito?
Inilapit naman nila ang mukha sa’kin para ibulong ang sasabihin. This is serious. Ang lala ng sugat ni Sir at walang pumapansin. At kung umasta si Sir ay parang normal lang!
“Lalo siyang naging gwapo!” Tili ni Bryson. Tumawa si Georgia.
Nagtaka ako. Naguluhan. What? This is serious! I am not joking!
“True! Ano kayang skin care ni Sir at sobrang kinis?’ Georgia said dreamily. “Ikaw, Behati ha! Napapansin naming titig ka ng titig kay Sir!”
“Hindi niyo ba nakikita ‘yong sugat?!” Kalmado pero naiinis ‘kong tanong. Wala akong panahon para sa joke nila.
“Sugat?” Takang tanong Georgia. Sabay nilang tinignan ang gawi ni Sir at mabilis umiling.
“Kulang ka ‘ata sa tulog, Behati. Kain ka na lang.” Pahayag ni Bryson bago tumawa. Georgia nodded.
Napatayo ako at umalis sa table nila. I am not joking! Tutal ay nawalan na ako ng gana sa nakita, at sa biro nila Georgia ay umalis ako. I need to freshen up. I really saw it! Nakita 'kong sunog ang braso ni Sir!
Kung ano-ano ang nakikita 'ko. ..that burned flesh is not a joke. Every people will winced if they have that kind of degree burn.. .Siguro nga ay kung ano-ano ang nakikita 'ko, dahil mukhang wala lang iyon kay Sir.
Napahinto ako sa paglalakad. Nakasalubong ‘ko sa hallway si Sir Espinoza. He still have his burned arms. Kita ‘ko ang laman ng balat niya! What the hell!
“Ms. Aragon?”
Akala ‘ko ay hindi ako tatawagin nito. Gusto 'ko sana dumiretso o hindi kaya ay umiwas. ..Ano bang nangyayari sa'kin?
“S-Sir?” Kinakabahang tanong 'ko dito, pilit iniiwas ang tingin sa sunog niyang braso. ..
What is happening? That is real! Hindi pwedeng hindi totoo iyan. ..Now that I am close to it. ..It seems so real.
“Do you have a problem?” Tanong niya. Napaangat ako ng tingin saglit.
Hindi ako nakasagot at muling napatingin sa braso niya. I am not seeing things. Totoo ‘to. Nagulat ako ng yumuko si Sir at sinalubong ang tingin ‘ko.
“Do we have a problem?” Pinaningkitan niya ako ng mata.
“Wala. ..Sir.” Napalunok ako. That is real. ..I can't be wrong. ..Wala na akong sakit. I am not hallucinating either. .. Hindi kaya ay walang bumabatikos sa braso niya ay dahil sa. .. takot silang magsabi?
But that's impossible! Bakit walang magsasabi? Or sir is pulling a prank or something?
“Okay.” Akmang lalagpasan na ako nito ng tinawag ‘ko siya ulit. It’s bothering me.
“S-Sir. ..” Tawag ‘ko. Muli itong lumingon. Tinignan ‘ko ang braso niya. “Wala po bang masakit sainyo?” Iyon na lang ang tinanong ‘ko. I don’t want to offend him.
Ang matigas nitong ekspresyon sa mukha ay sa wakas napalitan ng kuryosidad. Lumapit ito sa’kin, pero hindi ‘ko alam kung bakit ako napaatras.
“Anong nakikita mo?” Sa halip na sumagot, iyon ang tanong sakin ni Sir.
“S-Sir?” Nagtaka ako. Natatakot ako sa sunog nito sa braso.
“Anong nakikita mo, Behati?” Naningkit ang mata nito.
Bigla akong kinabahan. This time, I literally feel burning. Iba itong apoy na nararamdaman ‘ko. Masakit ito. Unlike before when I am seeing Sir Espinoza—the fire is nice and warm. Pero ito? Ano ‘to? Naramdaman ‘kong pinagpawisan ako. Bakit kailangan niya pa itanong sakin kung ano ang nakikita 'ko? It's obvious! A burned flesh! Pero bakit ayaw niya sabihin?
Napahawak ako sa'king dibdib ng lumapit ito.
“W-Wala Sir.” Iling ‘ko at umatras. Kailangan ‘ko magtago. I am not comfortable in this kind of feeling. Baka isipin ni Sir ay nababaliw ako, pag binanggit ‘ko ang aking nakikita sakanya.
Masama pa ‘rin ang pakiramdam ‘ko nang pumasok sa klase. Pero natiis ‘ko naman. It’s bearable. But I am sweating as hell...Nanghihina 'rin ako. Hindi 'ko alam kung bakit!
“Behati?”
Napalunok ako ng hawakan ako ni Georgia.
“Girl! Uwian na! Tara na?” Hinawakan ako ni Georgia. “Behati?” Nag-alala na ito.
Umiling ako para iparating na okay lang sana ako. Tumayo ako para ipakita iyon—pero nanlambot ang tuhod ‘ko. At hindi na alam ang sumunod na nangyari.
“Behati!” They called me.
Iyon ang huling narinig ‘ko bago ako mawalan ng malay.
Dalawang araw.
Dalawang araw akong nagka-lagnat at hindi nakapasok sa school. Noong araw na iyon ay inapoy ako ng lagnat. Isang gabi at isang araw. Ang sakit-sakit ng pakiramdam ‘ko noon. Gulat nga ako na buhay pa ‘rin ako hanggang ngayon!
“Behati!” Salubong ni Georgia. Napangiti naman ako at niyakap siya. “Anong nangyari sa’yo? May himatay-himatay ka pang nalalaman! May problema ka ba?”
Bryson cried. “Gaga ka ng taon! Kung may problema ka, sabihin mo sa’min!” Hinampas pa ako nito at umiiling pa.
"Hindi naman ako namatay, nagka-sakit lang. .." I remarked. Nakita 'ko ang pagsimangot ng dalawa dahil sa sinabi 'ko.
Natawa ako. Mga baliw talaga. Ang dami pa nilang tanong sa’kin pero nililihis ‘ko iyon. Hindi ‘ko rin kasi alam kung bakit ako nagkasakit. Bigla na lang akong inapoy ng lagnat. ..
May kutob ako. Pero nababaliw na ata ako kung paniniwalaan ‘ko ‘yon.
Everything is doing fine. Pero nandon pa ‘rin ang kaba lalo na pag naririnig ‘ko ang pangalang Sir Espinoza. Hindi ‘ko alam pero pakiramdam ‘ko ay dapat iwasan ‘ko si Sir.
“Behati?” Si Georgia habang ngumunguya. “Seryoso ka ba sa paglipat ng schedule?” Kanina pa niya iyon tinatanong.
Tumango ako. Schedule ni Sir ang iniwasan ‘ko. I don’t want to see him. Siguro ay inapoy lang ako ng lagnat noon kaya't kung ano-ano ang nakikita 'ko kay Sir. ..pero kahit na. Gusto 'ko pa rin ito iwasan.
Natapos na ang klase. Uwian na sana pero nagkaroon kami ng practice para sa isang role play. Malapit na mag-gabi ng matapos ‘yon.
“Bakla?” Sabi ni Georgia. “Hintayin mo muna ako ‘don sa baba. CR lang ako.” Mabilis na paalam nito. Napailing naman ako sa pagpa-paalam nito. Tsk.
Mag-isa akong naglalakad pababa.Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Wala na masyadong estudyante dahil pagabi na, at pinagbabawal talaga dito ang magpa-gabi. .. Akala ‘ko ay matatapos na ang araw na ‘to ng mapayapa, pero may humila sa braso ‘ko.
Magaspang iyon. Nakita ‘ko ang isang sunog na kamay at matigas na mga sugat. Tumutusok ang malagkit at tuyong sugat sa’kin kaya napasigaw ako. Anong klaseng. ..?
“Behati!” Sir Espinoza shouted. “Anong nakikita mo?!” He hissed.
“P-Pakawalan mo ako!” Iyak ‘ko. “Bitawan mo ako! Tulong!” Sabi ‘ko at sinubukang umalis sa pagkakahawak ni Sir. Pero hinawakan niya ako gamit ng dalawang kamay at hinila papuntang staff room.
Nanginig ako sa takot. Lumakas ang iyak ‘ko. Tanging mukha na lang ni Sir ang hindi sunog. Anong nangyari sakanya!?
“Sino k-ka? Lumayo ka!” Umatras ako.
“Anong nakikita mo?” Humakbang ito papalapit sa’kin.
“Sir. ..lumayo ka.” I muttered.
“Bakit aalis ka sa klase ‘ko?” He dangerously asked.
“Sir. ..” Humagugol ako.
Lalo niyang inilapit ang sarili sa’kin. Mukha itong halimaw dahil sa balat niya. Hindi siya tao! Halimaw siya!
“Lumayo ka sa’kin. ..” I plead.
“Anong nakikita mo?” Napapikit ako ng dahan-dahan nitong haplusin ang buhok ‘ko. “Hmm?”
“You’re a monster. ..” Bulong ‘ko. “H-Halimaw. ..Lumayo ka. ..” Inilayo ‘ko ang aking mukha sakanya.
Naramdaman ‘ko ang paghaplos nito sa beywang ‘ko. Napatalon ako ‘ron. Nagulat ako ng hilahin niya ako papalapit sakanya.
Naiyak ako dahil ‘don. Naramdaman ‘ko ang panghihina at panlalambot. Anong gagawin niya sa'kin? Anong kailangan niya? Papatayin ba niya ako? r**e? Ano? Ano 'tong nakikita 'ko?
“Ang tagal kitang hinintay.” Ang mainit nitong hininga ay tumama sa tenga ‘ko. “Sa wakas dumating ka na. ..” Bulong niya sa’kin.