Lesley's point of view
Dalawang araw na mula ng umalis si Treavor at ang mga kaibigan nito. At sa nakalipas na dalawang araw hindi tumawag si Treavor sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan kung bakit bigla na lang itong nagalit sa kanya. Kahit ilang beses niyang isipin kung may mali ba siyang nagawa, walang siya matandaan.
"Galit pa kaya siya? Hindi ko naman alam kung ano ang ginawa kong mali para magalit siya, haitz. Ang gulo naman," inis kong bulong at humiga ulit sa kama.
"Ganun ba ang ugali niya, magagalit na lang basta basta. Kainis talaga!"
Nag-iisip ako ng biglang may marinig akong mabasag mula sa kusina kaya agad akong napatayo at pumunta roon.
Nadatnan ko si Lola Encarnasion na nakakapit sa isang upuan kaya agad ko itong nilapitan.
"Lola, okay ka lang? Anong nangyari? May masakit po ba?" sunod-sunod na tanong ko.
Kinabahan ako ng hindi ito sumagot at hawak lang nito ang dibdib.
"Lola, naninikip ba ang dibdib mo? Tatawag ako ng doctor-"
"H-hindi na. Alalayan mo na lang ako papunta sa kwarto ko, medyo nanikip lang ang dibdib ko."
"Sigurado ka lola? Ayaw mo bang pumunta sa hospital?" Tanong ko habang inaalalayan ko siya papasok sa kwarto niya.
"Okay na ako, pakuha na lang ng tubig apo."
Agad naman akong kumuha ng tubig sa kusina at dinala rito.
"Pag may kailangan ka Lola, tawagin mo lang ako. Ipatunog mo yang bell po para marinig ko," sabi ko rito at inalalayan siyang humiga.
"Tinatawag naman kita, sinilip kita sa kwarto mo at nakita kong mukhang malalim ang iyong iniisip kaya hinayaan na lang kita." sabi ni Lola.
Nahiya namab akong yumuko, "sorry po."
"Okay lang, balik ka na sa kwarto mo apo at ako'y magpapahinga na. Okay na ang pakiramdam ko," sabi nito sa akin pero umiling lang ako.
"Dito na lang po muna ako Lola. Hihintayin kong makatulog ka," sabi ko at inayos ang kumot niya.
"Ay ikaw talagang bata ka, masyado kang nag-aalala sa akin. Sabi ko naman sayo malakas pa ako. Haha," tumatawang sabi niya.
"Syempre Lola. Ikaw na lang ang meron ako kaya mag-aalala talaga ako."
Naiiling lang ito sa akin bago pinilit ang mata.
Ilang minuto ko pa siyang binantayan ng lumabas ako sa kwarto niya at sinubukang tawagan si Treavor para sabihin ang nangyari.
Naka ilang ring na pero wala pa rin. Ilang beses ko siyang tinawagan pwro walang sinasagot. Sinunod kong tawagan si Kuya Zeus na agad naman nitong sinagot.
"Lesley musta? bakit ka napatawag?" bungad ni Kuya Zeus sa akin.
"Kuya kasama mo ba si Treavor ngayon?" tanong ko.
May naririnig akong ingay sa kung saan naruon si Kuya Zeus.
"Oo, kasama ko. Gusto mo ba siyang kausapin?" tanong ni Kuya Zeus.
"Oo, sana." sabi ko.
"Dude, kakausapin ka raw ni Lesley." Rinig kong sabi ni Kuya Zeus sa kabilang linya.
"Tsk, close kayo. May palitan ng number na naganap, ah. Ikaw naman ang tinawagan, kaya ikaw na kumausap." rinig kong sabi ni Treavor.
Napakagat naman ako ng labi ko sa hiya. Sino ba naman ako para kausapin siya di ba? Sino ba naman ako para storbuhin siya.
"Jealous, eh!" rinig ko pang boses ni Kuya Lance.
"Tsk, bakit ako magseselos? Sino ba siya? Probinsyanang taga alaga lang ni Lola," rinig kong sabi ni Treavor- Sir Treavor pala kasi taga alaga lang ako ng Lola niya.
Agad kong pinatay ang tawag dahil nasaktan ako sa narinig. Hindi ko alam bakit nasaktan ako. Ang alam ko lang parang sumikip ang dibdib ko. Alam ko naman na tama ang sinabi nito, walang mali sa sinabi nitong taga alaga lang ako ni Lola. Totoo ang bagay na iyun.
Naramdaman kong may pumatak na luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan.
"Ang iyakin mo talaga, totoo naman yung sinabi ni Sir Treavor. Okay lang 'yan, Lesley." Pagpapalakas ng loob ko sa sarili ko.
Bumalik ako sa kwarto ni Lola at kinuhanan siya ng blood pressure.
Naalimpungatan ito pero agad ding natulog. Sa sofa sa kwarto ni Lola na ako natulog para mabantayan siya at matawag niya ako kung may kailangan pa siya.
"Lesley, gising." Paggising ni Lola sa akin sabay kalabit sa braso ko kaya agad akong napaupo.
"Lola, may kailangan po kayo?" Tanong ko.
"Jusko, anong ginawa mo dyan? Bakit dyan ka natulog? Ang liit liit niya, pinagkasya mo pa ang sarili mo." hindi natutuwang sabi ni Lola.
"Sorry po, Lola. Binantayan po kasi kita, " sabi ko.
"Hay naku, bata ka. Sabi naman na okay lang ako, hanla sige magluto ka na ng almusal natin at ako nama'y lalanghap ng sariwang hangin sa labas. Kakausapin ko rin ang mga halaman ko," sabi nito bago ako talikuran.
Habang naghahanda ako ng almusal ay tumunog ang telepono sa sala kaya agad ko itong nilapitan at sinagot.
"Good morning-"
"I've been calling your cellphone for a while. Why don't you answer?" bungad sa kabilang linya.
"Sir Treavor?"
"Where's your phone?" halata ko ang pagkairita sa boses nito.
"S-sa - sa k-warto po," utal na sagot ko.
Rinig ko ang lalim ng paghinga nito.
"What's the use of your cellphone if you don't answer my call!?"
Naiiyak ako dahil sa pagsigaw nito sa akin.
"P-pasensya na po," kagat labing sagot ko.
Pinupunasan ko ang luha ko na patuloy na naglalaglagan.
Ano ba Lesley! Bakit kasi napaka-iyakin mo. Kakainis ka_bwelta ko sa sarili ko.
"Why did you call last night?" tanong nito.
"Ipapaalam ko po sana na kagabi nanikip ang dibdib ni Lola-"
"WHAT!? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI!?" sigaw nito.
"Okay na po siya nag-"
"I told you to call me right away if my grandmother is feeling bad. Why can't you understand !?" mabilis na sabi nito kaya hindi ko naintindihan.
"Po?"
"Argghhh, useless. Sinabi ko sayo na tawagan mo ako pag hindi maganda ang pakiramdam ni Lola," galit na sabi nito.
"Tinawagan ko po kayo ng ilang beses pero hindi po kayo sumasagot," pilit na sabi ko.
Wala na akong narinig mula sa kabilang linya dahil binabaan ako nito.
Ganun ba talaga siya, minsan sweet at ngayon naman galit. Hindi niya sabihin sa akin kung anong problema, hindi niya sabihin kung may nagawa man akong mali. Handa naman akong humingi ng pasensya kung sakali.
Ikaw kasi Lesley. Wag mong kalimutan na katulong ka lang dito._ pangaral ko sa sarili ko.
Pagkatapos naming kumain inutusan ako ni Lola na bumili ng bulaklak para sa altar kaya agad akong umalis.
Agad akong nakabili at bumalik agad sa bahay dahil walang kasama si Lola. Nakita ko itong may kausap sa telepono.
"Haha, okay lang ako apo. Nakalimutan ko lang uminum ng gamot ko kaya nanikip ang dibdib ko," sabi ni Lola sa kausap. Alam ko namang si Sir Treavor ang kausap nito sa telepono.
Kinagabihan nagulat ako sa pagdating ni Sir Treavor. Nilampasan lang ako nito at pumunta kay Lola.
"Lola, I told you to always take you medicine. Nag-alala ako ng sobra sayo," sabi ni Sir Treavor.
"Haha, ikaw naman apo. Sabi ko naman sayo na malakas pa ako. Sinabi ko rin sayo na wag mo akong alalahanin hindi mo na kailangang lumuwas rito para lang tignan ang kalagayan ko." rinig kong sabi ni Lola Encarnasion.
"You know how important you are to me, Lola." sagot ni Sir Treavor.
"Ay naku, nanlalambing ang apo ko."
Dumeretcho na ako sa maliit na kapilya sa likod ng bahay at nilagay ruon ang bulaklak na binili ko.
Pabalik na sana ako sa loob ng makita ko sa likod ko si Sir Treavor.
"Sir-"
"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" Tanong nito sa akin.
"Po? Sino po?" tanong ko pabalik.
"Kay Zeus. Alam mo Lesley, wala akong paki kung kanino ka magkagusto. Pero sana alam mo kung bakit ka nandito sa bahay ng Lola ko-"
"Sir mali po ang-"
"Alagaan mo ang Lola ko. Responsibilidad mong painumin siya ng kanyang gamot sa tamang oras bago ka makipaglandian sa kung kaninong lalaki. Hindi kita pinabawalan, just do your job." Huling sabi nito bago ako talikuran.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa narinig. Ito ang unang beses na mag nagsabing nakikipaglandian ako. Duon pa sa taong akala ko mabait.
"Sinamahan lang ako ni kuya Zeus, hindi ako nakikipaglandian sa kanya," bulong ko sa sarili ko.
Pinigilan ko ang pagdaloy ng luha ko na gusto ng lumabas. Hinanda ko ang mesa para sa hapunan.
"Hindi ka ba kakain Lesley?" tanong ni Lola sa akin ng hindi ako umupo pagkatapos ko siyang paglagyan ng pagkain.
"Busog po ako, Lola." sabi ko rito. Ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Sir Treavor ngunit hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang mata ko kay Lola Encarnasion.
"Ay naku, halika at kumain ka kahit kaunti lang. Kanina lang sinabi mo sa akin na gutom ka, hanla tara at sumabay ka sa amin." Sabi nito.
Tatanggi na sana ako ng sumandok ng kanin si Lola at nilagay sa isang plato.
Wala na akong nagawa kundi umupo na lang.
"Salamat po," sabi ko at inumpisahan na ang pagkain. Hindi ko sinubik na tignan si Sir Treavor. Nakikinig lang ako sa usapan nila.
Habang naghuhugas ako ng plato naramdaman kung may pumasok sa kusina.
"Lesley," tawag ni Sir Treavor sa akin kaya agad akong humarap.
"Sir may kailangan po kayo?" tanong ko na nakayuko pa rin.
"Call me Treavor," sabi nito.
"May kailangan po kayo?- Ano po pala, duon na lang po kayo sa kwarto matulog. Duon na lang po ako s kwarto ni Lola matutulog," sabi ko.
Ilang minuto akong naghintay ng sagot rito pero wala akong narinig mula rito kaya nag-angat ako ng tingin.
Nakita ko siyang nakatingin sa akin. O mas tamang nakatitig siya a akin. Hindi ko alam kung galit o may nagawa ulit akong mali.
"May kailangan pa po kayo?" tanong ko pero nakatitig lang ito sa akin. Ilang minuto rin akong naghintay ng sagot bago ito nagsalita ulit.
"May gusto ka ba kay Zeus?" Tanong nito.
"Gusto ko si- Ahhh." Gulat na sigaw ko ng sipain niya ang mesa sa gilid. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil galit itong umalis agad. Ni hindi man lang niya ako matapos sagutin ang tanong nito.
" Anong problema ni Sir? Sasahihin ko lang sana na gusto ko si Kuya Zeus bilang kaibigan dahil mabait ito."