Ms. A's point of views Maagang nagising si Lesley para magluto ng Almusal. HIndi man nito aminin ay bakas sa mukha nito na excited sa pag-uwi at pagbabakasyon ni Treavor sa probinsya. Pagkatapos nitong magluto ay agad din itong naligo. "Ang aga mo atang nagising, Iha. Nakapaglinis ka na rin, ano bang meron ngayon?" tanong ni Lola Encarnasion kay Lesley. Lumapit si Lesley kay Lola Encarnasion nang nakangiti. "Lola, di ba sabi niyo sa akin na namimiss niyo na si Treavor," tanong nito kay Lola Encarnsion. "So much, why?" "Magbabakasyon po siya rito at ngayon ang dating niya," masayang sabi ni Lesley. Napayakap ang matanda kay Lesle. "Really? ito ang matagal ko ng hinihiling sa kanya, ang magbakasyon dito ng ilang linggo. Sa wakas naman at natauhan na siya at ginustong magpahinga sa tra

