Tres

1521 Words
Ms A's point of view Good evening, how's your day?" "Okay naman po, kakatapos ko pong painumin ng gamot si Lola Encarnasion bago po siya matulog," magalang na sagot ni Lesley. Ilang linggo na ang dumaan pero hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan kung paano kinuha ni Trevor ang unang halik niya. "Thank you for taking care of my Lola," "Ako po ang dapat magpasalamat sa pagkupkop niya sa 'kin," sagot niya. Mula ng bilhan siya ni Treavor ng bagong cellphone, lagi itong tumatawag tuwing gabi. Nuong unang dalawang linggo madalas bumisita ang binata sa Pangasinan para dumalaw pero ngayon halos hindi na, busy ito sa hospital. "I saw your sss account. Accept my friend request," sabi ni Treavor. Nasa hospital pa rin siya at nagkaroon ng kaunting pahinga kaya may oras para tawagan ang dalaga. "Ahhh 'di ko po nakita sir-- ay Treavor po pala, madami po kasing nag a-add baka po natabunan." Napakunot naman ang noo ni Treavor sa sinabi nito. "Mga lalaki?" "May babae rin po pero mas madami ang lalaki. Yung iba ina-accept ko, yung iba hindi pa po," magalang na sabi nito. "Change your profile picture, ang ilagay mo 'yung dalawa tayo," seryosong sabi ni Treavor. "Po?" sagot ni Lesley, "bakit po kasama kayo?" "Just do it, send me your email and password." "Huh? Bakit po?" "Just send me, Lesley! - s**t!" Naguluhan si Lesley bakit parang galit si Treavor. Namatay ang tawag. Naisip niya na nagalit ito kaya agad niyang minessage ang email at password niya rito. From Sir Treavor - lesleyramos@yc? pw- lesley143 good night po? Pagkatapos patayin ni Treavor ang tawag agad siyang sumandal para pakalmahin ang sarili. Kahit siya hindi alam kung bakit naiinis siya pag may ibang lalaking nakakakita ng ganda ni Lesley. Tumunog ang phone niya at nabasang binigay ng dalaga ang hinihingi niya. Biglang gumaan ang pakiramdam niya ng mabasa ang message nito. "s**t, ano 'tong nararamdaman ko?" tanong niya sa sarili. Agad tinawagan ni Treavor ang mga kaibigan na pumunta sa Bar. " Dr. Treavor Cross, ano ang atin at nag-aya kang uminum? Bago 'yun," sabi ni Lance, isa sa kaibigan niya. Si Lance ay isang Ceo ng construction business. "Haha, pamilya o babae?" tanong ni Andrei. Ang happy go lucky ng magkakaibigan. Ayaw pa nitong pumasok sa kompanya ng magulang. "Who's the girl?" tanong ni Zeus kaya napatingin sa kanya si Lance at Andrei, "don't give me that look, dumbass. Pinalayas na 'yan ng magulang niya at binawi ang pera dahil ayaw nina tita at tito ang pag-aaral nito ng med dati. Sa panahon na 'yun, 'di siya namroblema." Zeus ang 'hot nerd' sa grupo. Pinalayas si Treavor ng tumuntong ito sa college at nalaman ng pamilya na hindi tungkol sa business ang kinuha nitong kurso. Ang lola Encarnasion niya ang sumuporta sa lahat ng pangangailangan niya kaya nakapagtapos siya at naging ganap na Doctor. "Alaga ni lola," saad ni Treavor. "Lola Encarnasion? 'Di ba nasa Pangasinan siya?" tanong ni Andrei. "Yeah, siya ngayon ang kasama ni Lola duon." "Ang rason kung bakit lagi kang nanduon ng dalawang linggo?" sabi ni Lance, "probinsyana, eh." "Dude, magaganda ba ang mga probinsyana?" nakakalokong tanong ni Andrei. "Hindi magkaka ganyan ang kaibigan natin pag pangit 'yun," saad ni Lance. "Maybe lust, pag natikman ko na siya mawawala na siya sa systema ko," mahinang sabi ni Treavor. "I don't think so, pero ayokong pangunahan ang damdamin mo, dude. Feel free to bed someone tonight," sabi ni Zeus. Tinaas ni Lance ang kamay at walang pang ilang segundo may lumapit na babae sa pwesto nila. "My friend wants to have fun tonight, can you give him a good fu**?" deretchahang tanong ni Lance sa babae. Tumingin ang babae kay Treavor, "He'll taste heaven!" "WOAHHH," sigaw ni Andrei ng lumapit ang babae kay Treavor at agad itong hinalikan. "Oh-oh," sabay sabay na sabi nilang tatlo nang tinulak ni Treavor ang babae. "What the hell!!" Galit na sabi ng babae. Pinatayo ito ni Zeus bago pinaalis. "That w***e f*cking kissed me!" Galit na sabi ni Treavor at pinunasan ang labi niya. Nakangising nakatingin ang tatlo kay Treavor. "The f*ck boy's karma," saad ni Andrei. "Are you in love, Treavor?" tanong ni Lance. "f**k, NO!! She's too plain and simple. No fashion, she's not my type!" "Yeah, convince yourself!" saad ni Zeus. Nakabantay ang tatlo sa sunod-sunod na pag inom ng kaibigan. "He's in love," Naiiling na sabi ni Lance habang nakatingin kay Treavor. Lumapit naman si Andrei. "Dude, anong pangalan nang alaga ni lola?" Nakangising tanong ni Andrei sa lasing na si Treavor. "L-Lesley Ramos, that girl is a witch!" lsabi ni Treavor at tinungga ulit ang alak sa harap. "Witch? Haha, ginayuma ka ba?" tanong ni Andrei na natatawa na. Naiiling naman ang dalawa sa pinagtatanong ni Andrei. "Yeah, s-sasabihin ko kay lola na mangkukulam ang babaeng yun," Natatawa na ang tatlo sa sagot ng kaibigan nilang lasing. "Maganda ba ang mga mangkukulam sa Probinsya?" tanong ni Andrei na nakipaghigh-five pa kay Lance. "Y-yeah parang anghel sa ganda, f*ck!" walang pagdadalawang isip na sagot ni Treavor na napasandal na sa upuan dahil sa kalasingan. "Tang-ina kung parang anghel sa ganda, akin na lang siya," sabi ni Andrei. "F-f*ck you, that witch is mine! Magbabayad siya sa pagkulam sa 'kin!" seryosong sabi ni Treavor kahit nakapikit siya. Nailing naman ang tatlo sa pag-angkin ni Treavor sa babae. "Lesley Ramos- ang ganda niya nga," sabi ni Zeus kaya napalapit si Lance at Andrei rito. "Siya yan?" tanong ni Andrei na nakatingin sa sss ni Lesley, "ang ganda naman. Kahit maluwag ang suot niyan, pupusta ako- sexy yan!" "Gago 'wag mong pagnasahan baka marinig ka ni Treavor, masuntok ka pa!" saad ni Lance, "kung ganyan kagaganda ang mga taga-Pangasinan, pwede tayong maghanap ng mangkukulam sa 'tin dyan. Haha." "Haha, mangkukulam pa nga," naiiling na sabi ni Zeus. "I kissed her and that's the softest lips I ever tasted," saad ni Treavor na nakatingin na sa mga kaibigan. "Ul*l sa dami mong hinalikan at kinama Doctor Treavor Cross, hindi ako maniniwalang kiss lang ang ginawa mo!" sabi ni Andrei. "She's innocent, " bulong nito bago tumayo, " una na ako." "Kaya mong magdrive? Dami mong nainum, dude!" sabi ni Lance. "Kaya ko pa- Pupunta ako sa Pangasinan," sagot ni Treavor bago umalis. Nagkibit balikat ang tatlo ang ipagpapatuloy na sana ang pag-iinuman ng... "Biyaheng Pangasinan. P*tcha lasing 'yun," napalakas na sabi ni Andrei. Sabay sabay silang tumayo at sinundan ang kaibigan. ..... Nagising si Lesley dahil sa ingay ng sasakyan. "Alas tres pa lang, sino kaya 'yung dumating?" Inaantok na sabi ni Lesley bago tumayo. Binuksan niya ang gate at nakita ang isang sasakyan. May lumabas na apat na lalaki, nakilala naman niya ang isa. "Sir Treavor!" gulat na sabi niya. Lumapit si Treavor sa kanya, "you witch, mangkukulam ka!" Huling sabi nito bago natumba at napayakap sa kanya. "Oh- tulong po!" Sabi niya sa tatlo na tulalang nakatingin sa kanya. Agad na kumilos si Lance at Zeus, kinuha si Treavor mula sa pagkakayakap sa dalaga. "Hello, I'm Andrei-ang ganda mo!" pakilala ng isa. "Salamat po," nahihiyang ngumiti si Lesley, " pasok po kayo, ipagtitimpla ko kayo ng kape. Mukhang nakainom po kasi kayo." "Papapasukin mo kami kahit 'di mo pa kami kilala?" kunot nuong tanong ni Zeus. "Ang gwa-gwapo niyo po para may gawing masama, mukha rin po kayong desente at isa pa po kasama kayo ni sir Treavor," nakangiting paliwanag ni Lesley at nauna ng pumasok para pagbuksan sila ng pinto. "Tang-*nang ngiti yan, nakakatulala!" naiiling na sabi ni Lance. "Kaya pala nabaliw ang loko, anghel nga ang alaga ni Lola. Ang ganda! Parang nakulam din ata ako!" sabi ni Andrei. "No doubt," saad naman ni Zeus. Nakatingin ang tatlo kay Lesley sa harap nila. Pagkatapos nilang ipahiga si Treavor sa kwarto nito, pinagtimpla sila nito. "Mga kuya pagkatapos niyo po dyan pwede po kayong tumabi kay sir Treavor para makatulog. Malayo rin po ang binyahe niyo," nakangiting sabi ni Lesley. "Saan ka matutulog?" tanong ni Lance. "Hindi na po, aayusin ko na lang ang mga iluluto ko mamaya tapos maglalakad lakad na lang po muna ako," magalang na sabi niya. "Hindi ba dilikado ang maglakad mag-isa. Anong oras pa lang oh!" sabi ni Zeus. Natawa naman si Lesley kaya napatitig ang tatlo. P*tcha ang ganda! - sabi ni Andrie sa isip niya. Ang ganda ng ngiti! - manghang sabi ni Lance sa isip niya. Pretty! - anas ni Zeus sa isip niya. "Naku kuya Zeus, safe po dito. At nirerespeto nila si lola Encarnasion kaya malabong may mangyari sa 'kin," paliwanag ni Lesley. Nakapagpakilala na ang tatlo kanina kaya kilala niya na ang mga ito. "Samahan na kita, hindi naman ako inaantok," sabi ni Zeus at humarap sa dalawa, "una na kayo. Sasamahan ko siya." "Hoy kay Tre-" natigil si Andrei ng tinignan siya nang masama ni Zeus. "Tara na inaantok na ako," yaya ni Lance kay Andrei. Naiwan si Lesley kasama si Zeus. "Ay kulang na pala, kailangan ko ng mamalengke," "Tara ipagddrive kita," nakangiting sabi ni Zeus kay Lesley. Nakatingin si Lesley sa nakatalikod na si Zeus habang nakangiti, "ang bait niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD