Author's point of view Hindi mapigilan ni Lesley na mapangiti ng magising siya na kasama si Treavor sa kanyang kama. Tinitigan nito ang mukha ng boyfriend at siniksik ang sarili palapit rito. Agad niya itong niyakap at binaon ang mukha sa leeg ni Treavor. "Good morning, Mosh. Miss kita," bati niya rito at mas hinigpitan ang yakap. Hindi sumagot si Treavor pero humarap ito kay Lesley at yumakap bago itinuloy ang pagtulog. Halos kalahating oras rin sila sa ganung posisyon ng mapagpasyahan ni Lesley na bumangon para maipagluto ang boyfriend ng almusal. Masaya itong nagluluto ng may yumakap mula sa likod niya. "Bakit gumising ka na? Hindi pa ako tapos maghanda, sana nagpahinga ka na lang muna." Hindi sumagot si Treavor at yumakap lang ng mahigpit kay Lesley na nagluluto. Binaon nito ang

