Paglabas ni Lorabelle sa opisina ni Alejandro ay siyang pagpasok naman ng mag-asawang Dash at Lenna. Nawala lahat ng pagka-ismarte niya nang makaharap ang mga biyenan na hindi niya nagawang kausapin noong umalis siya. "Lorabelle!" masayang bati ni Lenna Silvestre sa kanya kasabay ng pagyakap nito nang malapitan siya. "Hello po..." "Kumusta ang biyahe mo? Sana nagpasundo ka na lang kay Alejandro, iha." "May kasabay ho akong bumiyahe dito." "May kaibigan kang kasama?" "Isa rin hong modelo. Si Shanaya Ricafort." "Oh... Danzel Albano's fiancèe. Kaibigan ng pamilya namin ang mga Albano. Nasaan siya?" "Sa Luna Hotel ho tumuloy..." "Oh... I see... Nakita mo na ba ang Luna Hotel?" tanong ni Lenna. "H-hindi pa ho..." "Dito ko siya pinatuloy, Mommy. Sabay na lang kaming mag-

