Umiiyak na tinungo ni SN ang hallway papunta sa elevator. Feeling niya nakadagan sa kaniya ang mundo. Sobrang bigat ng pakiramdam niya. She wiped her tears and sniffed. Inayos niya ang kaniyang sarili. Lahi na lang siyang umuuwing luhaan. Kailan ba siya nakaramdam ng saya kapag ang binata ang pag-uusapan. "SN," hapong-hapo na tawag sa kaniya. Kunot ang noong nilingon niya ang binatang tumawag sa kaniya. Kumunot ang noo niya nang makitang si Kendrick 'yon. Deritso ang tayo at nakatingin lang sa kaniya. Akmang sasarado na ang elevator kaya pinindot niya uli ang button at lumabas. "Babe," tawag rin ng babaeng kasunod nito. Nakagat ni Sandira ang labi niya. Kahit saan at ano pa, laging may bumubuntot sa binata. Lalong ipinapaalala sa kaniya na hindi sila puwede. "Keny," mahinang aniya

