“Ay, naku po, Ate!” tarantang sambit ni Ron. May dumating na kotse pero wala akong pakialam kung makita nila ang hinaharap ko. “Kuya Matty, dali!’ narinig kong saad ni Rhizza at nakita ko agad na bumaba si Matty. “Ba’t hindi ka na nagpadala sa hospital, Sweetie?” tanong nito. “Huwag ka nang magtanong, Matty dahil talagang lalabas na anak ko!” sambit ko. “Sa kuwarto mo na lang tayo. Rhizza, maghanda kayo ng maligamgam na tubig. Ron, pakidala bag ko sa kuwarto,” utos nito at binuhat ako sa papasok sa kuwarto. Ipinahiga ako nito sa aking higaan. At pumasok naman si Rhizza, dala ang palanggana na may lamang maligamgam na tubig. Ipinatong naman ni Ron ang bag ni Matty at lumabas na rin ito. Nakahanda na gamit ng baby ko at nasa tabi ko lang ito, kaya madaling kuhanin. Tinusukan

