WINSTON POV “Bravo, Hijo! Bravo!” pumapalakpak na sambit ni daddy nang pumasok ito sa bahay. Tuwang–tuwa ito dahil sa mga sinabi ko kay Rida kanina. Ngunit masama naman ang loob ko. “Are you happy now, Dad? Wala na kami ni Rida, kaya magbunyi na kayo,” gagad ko. “Natural lang naman na magbunyi ako dahil alam kong wala ng huhuthot sa ‘yo, Hijo. Ngayon ay okay na at ituloy n’yo na ang pagpakakasal ninyo ni Chloe,” masayang saad ni daddy dahilan upanmg umiling ako. “Walang kasal na magaganap, Dad. Dahil kahit wala na kami ni Rida ay hindi pa rin ako magpakakasal kay Chloe!” protesta ko. “Ako pa rin ang masusunod, Winston! Sa ayaw at sa gusto mo’y, magpapakasal kayong dalawa ni Chloe! Dahil papa’no mo makalilimutan ang babaeng manloloko na nungaling na ‘yon kung hindi pumayag na ma

