Farah's POV Sinunod ko ang schedule na after ako'ng maayusan, at makapagbihis ay pumunta na ko sa room ni Ava. Pinagbuksan ako ng mama niya ng pintuan pero lumabas din ito, kaya naiwan kaming dalawa dito ni Ava sa room. Nakatikod ito sa akin ng nakatayo, nasa tapat siya ng window, kung saan natatanaw ang view ng Taal Volcano. "Ava." Ang tawag ko sa pangalan niya, at lumingon naman siya sa akin. "Sure ka na ba talaga?" Ang joke ko sa kanya, pero ang seryoso ang mukha niya, kaya mukhang wrong timing ang pagjo-joke ko. "What's the problem?" Ang agad na tanong ko sa kanya. "Wala, ano'ng sinasabi mo?" Ang sagot niya sa akin ng nakakakunot ang noo niya. Hay naku, akala ko naman may problema. wala naman pala, bakit ba kasi ang seryoso ng mukha ng babaeng 'to. "Eh kasi nakakunot 'yan noo

