Third-Person Narrative "Okay po, Thank you po Ma'am Farah." Ang nakangiting sagot ni Jemma habang may kausap sa telepono. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Miranda ng marinig ang pangalan ng asawa ng boss niya na binanggit ng tine-train niya bilang kapalitan niyang sekretarya. Kailangan niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya na asawa nga ni Derrick ang kausap nito. "Jemma kausap mo ba 'yung asawa ni Sir Derrick?" Ang pasimpleng tanong niya. "Ah, oo." Ang nakangiti, at simpleng sagot sa kanya ng kasama. Naisip niya mukhang threaten talaga ang asawa ng boss niya sa kanya, dahil never siya nitong tinawagan pero si Jemma na kabago-bago lang ay tila close na sila. "Bakit nagte-thank you ka?" Ang muling tanong niya. "Ah eh kasi makakapag-take ako ng long lunch break today da

