Heather's POV Napahawak ako sa sumasakit kong ulo ng magising kinabukasan. Breeanna was not herself last night. Nakakatawa siya na nakakainis. Buong magdamag ata kaming nag inuman dahil sa problema niya. Nalaman niya kasing babae ang papakasalan niya at hindi niya daw iyon matanggap kasi straight naman daw siya. I was straight too, pero nainlove ako kay Dos. Isinuot ko ang silk robe ko at bumaba na. Nanduon na pala ang tatlong kong kaibigan na akala mo bahay nila kung makapag ingay. Nag aagawan pa ng toast sina Deene at Bree habang si Katherine naman ay hinihilot ang sintedo at maya maya ang simsim ng kape. "Bree that's mine!" Sigaw ni Deene habang pilit na inaagaw ang toast kay Bree. Napatingin naman ako isa naming katulong at sininyasang gumawa pa ng toast. "Goodmorning children." P

