Dos POV Tatlong araw na akong pabalik-balik sa bahay nila Heather, palaging naghihintay at umaasang kausapin niya ako. Lahat din ng mga bulaklak na ipinapabigay ko sa kanya ay ibinabalik lang din saakin ng guard pero hindi ko padin siya susukoan. Napapabayaan ko na ang trabaho at ang sarili ko pero mas importante saaking marinig ni Heather ang paliwanag ko. Mahal na mahal ko siya, at ayaw kong tuloyan siyang mawala saakin. Napabuntong-hininga ako ng biglang bumuhos ang ulan, alas otso na ng gabe pero nandoon lang ako nakasandal sa kotse ko at naghihintay sa kanya. Basang-basa man at giniginaw ay pinatatag ko ang sarili ko. Nabuhayan ako ng loob ng bumukas ang gate pero bigla din ang panlulumo ko ng si Manang Ester ang lumabas. Nakapayong siyang agad akong nilapitan. "Dos, umuwi kana. Ma

