Halos isang buwan na rin simula nung mangyari ang class camping namin. Sa loob ng isang buwan na 'yon, wala kaming ginawa kundi ang umattend ng pictorial para sa graduation picture at class picture namin. Bukod don, lagi kaming half day kaya't nakakagala na kami sa kung saan-saan. Nakakasama na rin namin ang mga kaklase namin sa gala. Minsan naman ay sumasama si Ethan kay kurt, best friend na kababata rin daw n'ya, taga America ito at ngayon lang ulit umuwi ng Pilipinas. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi s'ya gwapo, pero para sa 'kin si Ethan ang mas gwapo sa kanilang dalawa. Habang ako naman ay tina-try kong makisama sa ibang mabababait na kaklase namin sa room, maaarte nga lang. Hindi naman siguro masama kung lalabas ako sa comfort zone ko 'di ba? Sisiguraduhin ko na lang

