Ang bilis lumipas ng araw. Parang kahapon lang nagkabanggaan kami ni Ethan sa coffee shop. Parang kahapon lang ng mapalabas kaming dalawa sa classroom. Parang kahapon lang iniligtas n'ya 'ko kala Ellianakaya naging slave n'ya 'ko. Parang kahapon lang ng magpanggap kaming mag-jowa at umamin s'ya sa 'kin ng nararamdaman n'ya. At ngayon kaming dalawa na talaga, dahil pareho kami ng nararamdaman at mahal namin ang isa't isa, hindi dahil sa kahit ano pa mang dahilan. Ngayon, mag-tatatlong buwan na rin mula ng tuluyan ko ng sinagot si Ethan. At sariwang-sariwa pa 'yon sa ala-ala ko. Kung paano ko siya sinagot. Napapagsabay naman namin ang pag-aaral at ayaw kong pabayaan ito. "Ethanol," pagtawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin. "Why, do you need anything?" Agad na tanong n'y

