"What the--" hindi makapaniwala na tumingin sa akin si Ethan habang ako naman ang hindi mapakali dahil sa mga titig niya. P*tragis, ano bang dapat kong sabihin? first time ko 'to 'no! Narinig ko ang pagtawa niya kasabay ng amusement na nababasa ko sa mga mata nito. "Fine, lets eat," natatawang ani niya at napa-iling na lang kaya't hindi na ako nagsayang ng oras at parang balisang kinuha ang kutsara't tinidor. Isa lang ang nararamdaman ko. Natatae ako. Pero sandali lang naman, parang hindi nagsi-sink in sa akin ang lahat ng narinig ko. Hindi ako makapaniwala, bakit ako? Pero maganda naman ako kaya counted. Charot! Habang kumakain kami ay parang nasisiyahan siyang makita akong hindi mapakali. Nakatingin lang ito sa akin habang sumusubo habang hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng p

