Chapter 2

1430 Words
RAELLE “WHO THE HELL ARE YOU? Napakurap ako sa kaniyang tanong pero sa halip na sumagot ay lumapit ako sa kaniya at akmang hahawakan siya sa pisngi. Napakunot naman ang kaniyang noo at mahigpit na hinawakan ang aking kamay para pigilin saka marahan akong tinulak palayo. “P-Pasensiya na po. Ngayon lang kasi ako nakakita ng bagong mukha,”nakangiti kong sabi. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman kong saya. Siguro dahil siya ang lalaking nasa litratong matagal ko ng tinatago. “Ano? Wait, I don't understand.”anito at inilibot ang tingin sa kabuuan ko. Napansin kong nag-iba ang kaniyang titig lalo na sa aking bandang dibdib. Mabilis siyang umiwas ng tingin at tumikhim. “You're not wearing a bra.” “Ha?”sagot ko at napatingin sa aking dibdib nang maintindihan ko ang sinabi niyang bra. Tama! Pinaalalahan nga pala ako ni Manang Luz na bawal na bawal akong magpakita sa ibang tao na ganito. Kinuha ko ang jacket na nakasabit sa sandalan ng upuan saka sinuot iyon. “So, who are you? Or naiintindihan mo ba ako?” “Medyo. Ikaw sino ka?” Hindi niya sinagot ang tanong ko at kumuha ng tila maliit nabagay saka tila ba may pinagpipindot doon saka niya ito nilagay sa kaniyang tainga. Nakatitig lang siya sa akin habang tila may hinihintay. “Tell me your name,”saad nito. Name? Pangalan? “Raelle,”sagot ko. “Raelle ang pangalan ko.” Bakas naman sa mukha niya na para siyang natigilan at napatitig sa mukha ko. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa braso nang mahigpit dahilan para makaramdam ako ng bahagyang takot. Napahawak ako sa kamay niya para makawala pero masyadong mahigpit iyon. “Ano—” “Apollo!” Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniyang pangalan. Sa pinto ay naroon si Freya na bakas sa mukha ang gulat sa nakita. Malalaki ang hakbang nitong lumapit sa amin kaya agad akong binitawan ng lalaki. Napahawak ako sa aking braso dahil medyo kumirot iyon. Apollo... Apollo ang pangalan niya. “W-What are you doing here, babe?”ani Freya at bahagyang inilayo ang lalaking nagngangalang Apollo. “What the f**k is this, Freya?”anito na tinapunan ako ng tingin. “She's... Ahmm, she is Francis girl toy! That's right! Don't mind her, Apollo. This place is basically their s*x haven.” Wala akong naintindihan sa ibig sabihin ni Freya pero nakakasiguro akong kasinungalingan iyon. Nang igiya ni Freya si Apollo palabas ay bahagya akong humakbang palapit. Napalingon pa sa akin si Apollo kaya tinitigan ko siya nang mataman. “Tulungan mo ako...”bigkas ko pero hindi ko alam kung narinig niya ba iyon. Nakaramdam ako ng lungkot nang talikuran na ako nito at tuluyan na silang lumabas ng basement. Napabuntong-hininga na lamang ako at naluluhang napaupo sa lapag. NAPAIGTAD AKO NANG biglang bumukas ang bakal na pinto ng basement. Agad akong napatayo sa pagkakaupo sa manipis na kutson at nakangiting pumunta sa pinto dahil alam kong si Manang Luz ang dumating at paniguradong may dala na naman itong kakaibang pagkain para sa akin. “Manang Luz—” Hindi ko natapos ang tawag ko dahil sa halip na si Manang Luz ay si Madam Faye at ang anak nitong lalaki na si Francisco ang bumungad sa akin. Napaatras ako nang bahagya dahil ramdam ko na agad ang galit ni Madam sa akin. Matalim itong nakatingin sa gawi ko at humakbang palapit. “Punyeta ka talaga!”sigaw niya at binato sa akin ang sa tingin ko ay bag. “Para saan po ito?” Hindi sumagot si Madam sa aking tanong. Bakas sa mukha niya ang gigil kaya nang haklitin nito ang buhok ko ay wala na akong nagawa. Ramdam na ramdam ko sa aking anit ang sakit ng pagsabunot kaya napahawak ako sa kaniyang kamay. “Aray! Madam!”iyak ko pero sa halip na tumigil ay sinampal lang ako nito at malakas na ibinalya sa pader. “Dapat sa una pa lang pinatay ka na namin!”anito at pinulot ang upuan at akmang itatapon sa akin nang humarang si Francis. “Ma! Tama na 'yan, kailangan na nating umalis,” anito at tumingin sa akin. “Raelle, ilagay mo sa bag ang mga damit mo. Aalis tayo.” “A-alis? Saan po—” Hindi ko na naman natapos muli ang aking sinabi dahil isang malakas na sampal na naman ang pinadapo ni Madam Faye sa aking pisngi. Nakagat ko ang aking labi at umatras nang bahagya nang itinaas na naman nito ang kaniyang kamay para muli akong sampalin. Hindi ko alam kung ano na naman ang nagawa kong kasalanan pero kakaiba ang galit na nakikita ko sa mukha ni Madam. “Huwag ka ng magtanong!”aniya at tumalikod saka naglakad kasama si Francis na napapailing na lamang. Tumango na lamang ako at pinanood silang dalawang lumabas ng basement. Nagpunas lang ako ng luha at tumungo sa aking damit saka nilagay iyon sa isang bag. Binilisan ko ang aking kilos dahil tiyak na bugbog na naman ang aabutin ko kapag muling bumalik sila dito nang hindi pa ako tapos. Nang damputin ko ang paborito kong libro ay agad kong tiningnan ang litratong ginupit sa magazine. Muli ko na namang naalala ang lalaking pumasok sa basement. Hindi ko makakalimutan ang ekspresyon ng mukha nito na para bang nakakita ng multo. Pero kahit na ganoon ay hindi maikakaila na napakagwapo nito. Nakangiti akong binalik sa pahina ng libro ang litrato ay nilagay sa bag ang libro. Pero muli akong napaigtad nang bumukas muli ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko at nang maaninag ko na may hahawi ng kurtina kaya agad akong humarap saka lumuhod at marahang iniuntog ang aking noo sa lapag. “Pasensya na po, Madam! Bibilisan ko na po—” “Miss?” Kumunot ang noo ko nang marinig na ibang boses ang nagsalita. Dahan-dahan akong napatingala at bumungad sa aking paningin ang hindi pamilyar na mukha. Lalaking may malinis na gupit ng buhok, kakaiba rin ang damit nito at hindi lang iyon, may mga kasama rin itong kapareho niya ng sout. Napakurap ako at tumayo saka umatras dahil sa takot. “S-Sino kayo?”kinakabahan kong tanong saka tumingin sa pinto. “Manang Luz!”tawag ko habang nanginginig ang boses dahil sa takot. “Mga pulis kami,”anito at humakbang palapit. Pulis? Anong pulis? “Huwag po!” sigaw ko at lumuhod saka pinagkiskis ang aking palad dahil sa takot. “Parang-awa niyo na! Huwag niyo po akong saktan!” “Miss? Hindi ka namin sasaktan,”wika ng isang nagpakilalang pulis at lumapit sa akin saka marahan akong pinatayo. “Ikaw ay ni-rescue namin sa kamay ng Olivarez family,”dagdag ng isa pa. “Halika? Dadalhin ka namin sa ligtas na lugar.”Lumapit sa akin ang babaeng nagpakilalang pulis. Sunod-sunod akong umiling at bumitaw sa hawak ng isang pulis saka umatras. Sabi noon sa akin ni Manang Luz na kapag dumating ang araw na makakaalis ako sa lugar na ito ay huwag na huwag akong magtitiwala agad dahil kung malupit si Madam, may taong mas malupit pa sa kaniya sa mundong 'to. “Huwag kayong lalapit!”sigaw ko. “Miss huwag kang matakot—” “Stop.” Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking tinawag na Apollo ni Freya kahapon. Kunot noo itong naglakad palapit sa akin at hinubad ang sout na parang jacket saka ipinatong sa aking balikat. Hindi ko alam kung bakit sa lalaking ito ay hindi ako nakakaramdam ng takot. “Sir Calientes, kami na po ang bahala sa kaniya—” “Don't touch her,”anito sa wikang ingles. “She doesn't trust anyone.” “Sir?” “I will accompany her to the police car,”muling sabi nito at tumingin sa akin saka hinawakan ako sa kamay. “Ligtas ka na, Raelle.” “H-Ha?” “Humingi ka ng tulong sa akin, hindi ba?”anito at ngumiti nang bahagya. Uminit ang sulok ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na namalayan na tumutulo na ang aking mga luha. Kagat labi akong tumango nang sunod-sunod. Ibig sabihin ay naintindihan niya ang sinabi ko nang nakaraang. Iginiya niya ako palabas sa basement ngunit sa pinto ay natigilan ako dahil sa takot. “Bakit?”tanong ng isang pulis dahil sa paghinto ko. “Labinlimang taon akong hindi nakalabas dito,” nanginginig ang boses ko dahil sa takot. “It's okay, Raelle. I'm here...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD