ZIA POV'S
Napabalikwas ako nang maramdaman kong may humihila sa aking hintuturo, bahagya pa akong nahilo dahil sa biglaang pagbangon ko, kaya napasapo ako sa aking noo at unti-unting minulat ang aking mga mata. Hindi ko malaman ang gagawin ko, parang biglang hiningal ako nang makita ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakapamewang at madilim ang mukhang mariing nakatitig sa akin.
"Si---sino ka? Nasaan ako? A---anong-,"
"Ikaw? Sino ka? At anong ginagawa mo sa loob ng sasakyan ko?!" Iritadong agap niya. Kumunot ang noo ko sa kalituhan. Sasakyan?
Sasakyan? Anong pinag-sasabi ng lalaking 'to?
"Magnanakaw ka siguro no?" Tumaas pa ang kilay niya sa sinabi niya.
"Hindi ako magnanakaw!" Depensa ko. Hindi naman talaga ako magnanakaw, at wala akong balak magnakaw. Pero paano bang napunta ako dito sa lugar na ito?
"Hindi ka magnanakaw?! Eh anong ginagawa mo diyan?!" Galit na tanong niya.
"Hindi nga ako-," natutop ang bibig ko nang maalala ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito. Napalunok ako at nangilid ang mga luha sa mata ko.
"Tingnan mo! Hindi ka makapagsalita! Dahil totoong magnanakaw ka!" Tinuro pa niya ako at lalong umigting ang mga panga niya.
"Hindi ako magnanakaw!"
Hindi ako iyong klase ng tao na iiyak sa harap ng kung sino-sino lang pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na kaya pang pigilan ang damdamin ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Asang-asa ako na pagkatapos nang nangyari sa akin kagabi ay matatag pa rin akong haharapin ang bukas. Pero ano? Heto ako... Tahimik na umiiyak...I've been in countless hard situation, pero iba pa rin pala 'yong pakiramdam na hindi man lang ako kinumusta ni Papa. Oo nga pala, bakit ba naman niya ako kukumustahin? Nakalimutan kong hindi na pala niya ako kailangan, kailangan lang niya ako kung kailangan niya ng pirma ko.
"Wag mong sabihing nagpapawa ka?" Ngayon ay mababa na ang boses niya.
Mariin kong pinunas ang mga luha sa mga mata ko. Hindi na rin ako umimik dahil kahit pa ikwento ko sa kanya ang sinapit ko kagabi ay wala din naman siyang magagawa, at sino siya para malaman ang problema ko. Kaya ko namang solohin. Sanay na akong walang nakikinig sa akin...sanay na akong mag-isa, sanay na akong laging pinahihirapan ng mundo. Nakaya ko ngang dalhin ang parang walang katapusang pasakit noong namatay si Mama, ngayon pa kaya?
Inayos ko ang sarili ko at bumaba na sa sasakyan. Nakahakbang na ako ng dalawang hakbang nang bigla niya akong hilain. Masakit ko siyang tinignan.
"Sa tingin mo makakaalis ka dito ng ganun-ganun lang!?" Galit na banta niya sa akin. Gaano ba kalaki ang perwisyong nagawa ko sa lalaking ito?
Dahil kung magalit parang may totoong nagnakaw ako. Nagkatitigan kami, matalim ang mga titig niya, natakot ba ako? Oo. Pero hindi ko siya inurungan, kaya kong makipagsukatan ng titig sa kanya. Dahil alam kong wala akong ginawang masama. Masama? Napalunok ako nang maalala ang nakita ko kagabi. Hindi ko naman iyon sinasadya. Hindi ko naman gustong makita silang ganoon ng girlfriend niya. Nagbaba ako ng tingin dahil parang nahiya ako sa kanya. Nahiya ba talaga ako sa kanya? Oo. Pero hindi ko kasalanan at wala akong balak silipan sila.
"Now what!?" Asik niya. Diniinan niya iyon.
Bumuntonghininga ako.
"Kung iniisip mo ninakawan kita, nagkakamali ka. Uuwi na ako," sagot ko at tinalikuran na siya.
Marahas niya akong hinila. Napasandal ako sa likod ng sasakyan.
"I'm not done with you!" Anas niya. Nanginig ang mga tuhod ko sa ginawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay lalo ko lang nilagay ang sarili ko sa panganib, natakasan ko nga ang tatlong lalaki kagabi pero heto nanaman ako...
"Wa---wala akong ninakaw sa'yo nagkakamali ka kung iniisip mong may balak akong masama sa-,
"Then tell me! what the f*ck you are doing here!" Sigaw niya. Lalo ko tuloy napainit ang ulo niya.
"Nagtatago..." Mahinang sagot ko, inis siyang ngumiti. Gumalaw ang panga niya saka ito lumingon sa likuran niya. Kapagkuwan ay kinulong niya ako ng mga braso niya. Na lalong ikinatakot ko.
Tiim siyang tumitig sa akin.
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo?" Mariin akong napapikit at bumuntonghininga.
"Nagsasabi ako ng totoo, kung ayaw mong maniwala, wala akong magagawa, uuwi na ako." Walang atubiling sagot ko.
Inis siyang ngumiti. "Alam mo bang hindi lang ikaw ang gumawa ng ganyang kwento? Ilang beses ko nang narinig iyan sa mga babaeng sumunod sa akin dito galing sa bar, i heard that for so many f*cking times! At alam mo ba kung anong ginawa ko sa kanila?" Asik niya. Doble na ang kaba ko ngayon, nangatog ang mga tuhod ko dahil sa takot. Napalunok ako at tiim bagang na tinitigan siya. Siguro nga katapusan na ngayon ng buhay ko. Baka mamaya o baka sa susunod na araw matagpuan na lang nila ang bangkay ko sa ilog o sa daan.
Mapait akong ngumiti kasabay ng pagtakas ng luha sa mga mata ko.
"Ano pa ba kasing dahilan para mabuhay ako no!? Kung may balak ka mang patayin ako? Gawin mo na ngayon na! Sawang-sawa na akong masaktan eh, pagod na pagod na akong lumaban! Akala ko nga rin kaya ko pang magtiis, alam mo ba kung bakit ako nandito!? Dahil hinahabol ako ng tatlong lalaki at balak nila akong patayin! Sayang lang dahil ginawa ko pa ang lahat para makatakas! Kaya kung may balak kang patayin ako gawin mo na!" Mahabang kwento ko, hindi ko na rin napigilang humagulgol ng iyak. Gustong-gusto ko nang sumuko. Dahil alam kong pagkatapos nito, l nanaman...
"I---im sorry," mahinang saad niya at umatras ito.
Pilit kong pinapalis ang luha na patuloy pa ring kumakawala. Saka ako naglakad, hindi ko na siya tinignan pa. Ramdam kong pinapanood niya ako. Bubuksan ko na sana ang gate nang marinig kong umandar ang sasakyan niya, kaya lumingon ako sa likod. Umatras ang sasakyan niya pero tumigil din iyon at bumaba siya. Saka ito naglakad palapit sa akin. Naiiyak nanaman ako dahil baka magbago ang isip niyang pakawalan ako.
"Get in the car, ihahatid na kita," seryosong saad niya.
Tinitigan ko lang siya. "Hu---huwag na...a---ak---ako nalang," atubiling sagot ko.
"No! Baka hinahanap ka pa rin ng mga lalaki hanggang ngayon," agap niya. Nagsalubong din ang makakapal na kilay niya at dumilim ang mukha niya. Sinuyod ko muna ang paligid, lalo na sa labas, saka ako tumango at sumakay na sa sasakyan niya.