Heather's Pov Pilit kong inialis ang kamay ni Euphraim na nakapulupot sa 'king bewang habang nagmomovie marathon kami sa sala. Nakakainis na! Kapag nagagawa kong alisin 'yong kamay n'yang isa ay ibabalik rin naman n'ya kaagad 'yong isa kaya parang wala rin. Muling tumunog ang door bell, kanina pa 'yon tumutunog at hindi ko lang magawang tingnan kung sino 'yon dahil ayaw n'ya kong bitawan. "Sandali nga lang kasi, titingnan ko muna kung sino 'yon." Inis na anas ko sa kanya. Bumuntong hinga s'ya saka unti-unting inalis ang matitipuno n'yang braso sa 'kin. My brows furrowed as I saw him frown, directing gaze on the television. Tampu-tampuhan lang? Naiiling na inayos ko ang aking t-shirt saka naglakad papunta sa pintuan. Mabilis na nanlaki ang mata ko nang sumambulat

