Heather's Pov "Ms. Heather." Nilingon ko kaagad si April nang tinawag n'ya 'ko. I handed Hubert the sets of question typed on a bond paper before I tapped his shoulder and turn completely to be able to face her. "Bakit?" Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa sikat ng araw na tumatama sa 'king mukha. "Ma'am Glenna called me, Mr. Gallego was looking for you at the office." May kalakasan n'yang sinabi para marinig ko s'ya. Bigla kasing umingay ang parteng 'to kung saan kami nagsoshoot nang dumaan ang iilang sasakyan. Isinenyas ko sa kanya 'yong tent kung nasaan ang iba pang mga staff na kasama namin. Doon na lang kami mag-usap para magkarinigan kami ng mas maayos. Isa pa mas'yado talagang mainit at tumatagaktak na rin ang pawis ko. I marched toward the tent first an

