Heather's Pov "Heather ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Manang habang dinadaluhan ako at hinahaplos ang likod ko nang bigla na lamang akong masuka kinabukasan. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Dagdag n'ya pa, umiling ako atsaka nagmumug muna bago humarap sa kanya. "Hindi po Manang, medyo masakit lang talaga ang ulo ko baka hangover medyo naparami rin kasi 'yong inom ko sa party kagabi." Nanghihinang sinabi ko atsaka naupo na para makapag-agahan, may pasok pa 'ko ngayong araw. Lunes na lunes pa man din sana hindi ako maipit sa traffic. "Kaya mo bang pumasok? Kung masakit talaga ang ulo mo'y magpahinga ka na lang muna rito." I shook my head and gave her my assurance that I am just fine. "Iinom na lang ako ng advil mamaya." Kumagat na 'ko sa french toast na inihanda n'ya haban

