6 - CLASH

1562 Words

LEIN Umalis si Rheo no'ng kinagabihan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Wala siyang sinabi. After kasi ng election ay nag-uwian na rin lahat. Dumiritso ako ng boarding house. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan. 'Di ko pa kabisado ang mga pwedeng pasyalan o puntahan dito. Wala rin akong masyado pang kilala maliban kay Rheo at sa mga kaklase ko. Nakahiga lang ako sa higaan ko pero hindi pa ako inaantok. Nakapikit ako pero gising pa ang diwa ko. Mga pasado alas otso yata iyon ng maramdaman kong dumating si Rheo. Mukhang nagpalit lang ito at agad ding umalis. Nagtulog-tulogan lang ako. Akala nito siguro ay tulog na ako. Balak ko sana siyang kausapin. Hindi pa rin kasi ako maka-move on do'n sa nangyare sa auditorium. Gusto ko kasing malaman kung may nagawa ba akong mali sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD