“HON, WAIT!” Habol ni Anthony sa nobyang pilit na kumakalas sa yakap niya. “Hey! Listen to me first!” aniya saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito. “K-kung anuman ang narinig mo kanina mula kay Dad, wala akong alam doon at lalong walang katotohanan iyon. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang ang babaeng gusto ko makasama hanggang sa pagtanda.” Umiling-iling ito habang walang tigil sa paglandas ang mga luha nito. “A-Anthony, isa lang ang ibig sabihin n‘on. We’re not meant to be.” “Hindi ‘yan totoo! Ikaw lang ang mahal ko kaya para tayo sa isa’t isa. At saka nangako ka sa akin na ipaglalaban natin ang isa’t isa kahit buong mundo pa ang humadlang sa atin, hindi ba?” “H-hindi mo ba nakikita? Isang hamak na Oncologist lang ako. Wala akong maitutulong na malaki sa kompaniya niny

