PAGKATIGIL ng kotse sa labas ng hospital ay binuksan na niya ang pintuan ng back seat, hindi na siya naghintay na pagbuksan pa siya ni Gelbirth dahil mukhang hindi naman siya ang priority nito ngayon. “Let’s go, Ana.” Napa-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ni Gelbirth at paghawak nito sa kamay niya at marahan siyang hinila. Mabilis niyang pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya, hindi niya alam pero parang ang emosyonal niya, dahil siguro hindi siya sanay na hindi siya nilalambing ng lalaki. Tumigil sila sa harap ng isang pintuan, bago pa man mabuksan ni Gelbirth ang pintuan ay nauna na si Kim sa pagbukas nun. Nagtatakang nagpalit-lipat ang tingin niya kay Kim at sa babaeng doctor dahil mukhang close na close ang dalawa. “Star, meet Gelbirth’s wife, Analie,” pakil

