NAPAPIKIT siya nang tumama sa kanyang pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Pasakay na sila ni Gelbirth ng mga sandaling iyon sa yate ng lalaki. Matapos ang paamaalam sa mga panauhin kanina ay walang pasabing binuhat siya ni Gelbirth na labis niyang kinagulat at napatili na lamang siya nang humakbang na ang lalaki. "Gel, saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya. Tumingin sa kanya si Gelbirth. "Magpupulot gata tayo sa gitna ng dagat at ang ating taga saksi ay ang langit, buwan, bituin at katubigan sa kung paano kita sasambahin." Bumukas-dili ang kanyang mga labi. Hindi niya akalaing maririnig niya ang mga katagang iyon sa lalaki. "Gel…" iyon lamang ang kanyang naisabi. "Yes, sweetheart?" malambing na tanong ng lalaki at binilisan pa ang paghakbang. "Ibaba mo na lang ako baka ka

