WINTER looked away, keeping her face averted until the warmth left her cheeks. Hindi niya inaasahan ang biglang pagbisita ni Noah sa kanila. Sa gilid ng mga mata niya at kita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. “Hindi ko alam na bukod kay Emma ay may iba pa pala na kaibigan itong si Winter,” rinig niyang sabi ng ina. “Hindi ka pa kasi niya nababanggit sa akin,” dagdag pa nito. “Ah, nito lang po kami nagkakakilala, nay,” sagot niya sa sinabi ng ina. Tumango naman ito. “Kamusta na po pala kayo?” Noah asked. Her mom smiled at him. “Ito, sa awa ng Diyos ay ayos na ako. Nagpapalakas na lang." “That’s good to hear,” ani Noah at ngumiti. He glanced at his wristwatch. “I’m sorry, I need to go now at baka ma-late ako sa meeting. Dumaan lang talaga ako para kamustahin kayo.” “Talaga ba? Nak

