Pagmulat niya ng mga mata nasa puting silid siya na may mga kagamitang pang ospital. Napakunot ang noo niya, saka naramdaman ang pagsakit ng kanyang ulo. Ginala niya ang mga mata sa paligid at namataan si Angela na nakatalikod sa kanya, may kausap yata ito sa may pintuan. Ang tanging naaalala lang niya ay dumilim ang buong paligid habang inihahatid niya palabas si Angela. Napahawak siya sa ulong masakit pa rin. Marahil nawalan siya ng malay kaya siya narito sa ospital. Masyado na yata niyang napapabayaan ang sarili niya sa galit na nararamdaman niya sa asawa. "Gising ka na pala, Savannah," tinig ni Angela nang maisara nito at pintuan at lumakad palapit sa kama niya. "Yeah," she said. Pinilit niyang bumangon para maupo at makausap ang kaibigan, kung ano ba ang nangyari sa kanya at baki

