Akmang niyang lalapitan ang babaing sa tingin niya ay si Amara nang bigla namang sumulpot sa kung saan si Melissa, nalipat tuloy rito ang atensyon niya. Nang lingunin niya muli ang babae wala na ito sa tapat ng building. "Damn,' mahinang mura niya at inikot ang mga mata sa paligid. Pero wala na talaga ang babae sa paligid. "Marcus, samahan mo ko sa loob," anyaya sa kanya ni Melissa sabay kawit pa ng kamay nito sa braso niya. Sinulyapan niya ito at ang kamay nitong nakakawit sa braso niya. Mabilis naman nitong tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Sige tara na," tugon niya kay Melissa at nagpaka gentleman na siya rito kahit papano, siya na ang nagdala sa mga bibit nito. Kung si Amara nga ang babaing nakita niya kanina, tiyak na makikita pa niya ito muli. Lihim siyang napangiti. Alam

