Matapos ang dinner nila with the whole Leonardo family, agad na rin silang nagpaaalam umuwi ni Marco, nasabi na rin naman nila lahat ng good news nilang mag asawa sa pamilya nito, at nakita naman niyang masayang-masaya ang mga ito sa ibinahagi nilang balita lalo na tungkol sa pagbubuntis niya. Kitang-kita niya kung gaano kasaya at kasabik ang mga magulang ni Marco nang malamang magkakaapo na ang mga ito. Masaya rin siya dahil ngayon palang alam na niyang mabubusog sa sobrang pagmamahal ang batang nasa sinapupunan niya. Ngayon palang hindi na niya maiwasang maging masaya para sa anak niya, dahil paniguradong hindi nito mararanasan ang naranasan niya sa buhay. Natutuwa din siya dahil nanatiling tikom ang bibig ni Marcus sa naging gulo nila ni Marco. Wala siyang ano mang narinig na pasaring

