Kapwa malapad ang ngiti nila ni Marcus sa labi nang lumabas sila sa condo unit na bigay nito sa kanya. Hindi pa nga niya sinasagot ito pero may pasabog na itong mamahaling condo. Nagpapaligaw palang naman siya, pero syempre sasagutin naman talaga niya si Marcus at papayag siya sa tatlong buwang gusto nito. Wala pa nga silang balak lumabas ng unit dahil sa kung anu-anong ginagawa nila na kapwa naman nila hindi mapigilan ang kanilang mga sarili. Sa bawat halik at haplos sa kanya ni Marcus nawawala siya sa kanyang katinuan at hindi siya makatutol. Kung sa bagay tututol pa ba siya, eh isang Marcus Leonardo na nga ang nasa harapan niya. Nasa kasarapan sila ng kanilang ginagawa kanina nang tumawag si Don Marcelo kay Marcus. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng mag lolo, basta bigla na

