"Eh sino po ba kayo? Bilin po sa amin bawal magpapasok ng hindi namin kilala," sita sa kanya ng security guard sa labas ng gate ng bahay na pinuntahan niya. Ito ang address na binigay sa kanya ni Marcus kagabi, ayun daw sa PI na inutusan nito narito sa bahay na ito ang asawa niya. Bahay daw ito ng mga magulang ni Angela. Hindi na niya inistorbo sina Jake at Angela. Naisip kasi niyang baka ipaalam pa ni Angela sa asawa niya na alam na niya kung nasaan ito, at umalis na naman para iwasan siya. Kung narito man sa bahay na ito ang asawa niya hindi na niya ito bibigyan ng pagkakataon para mapagtago pa sa kanya. Gagawin niya lahat sumama lang ang asawa sa kanya. Hindi niya ito gagamitan ng ano mang dahas na siyang dahilan ng asawa kung bakit ito umalis. Kung kinakailangan magmakaawa siya sa asaw

