Marcus-1 "Magkunwari kang bente anyos, Amara huwag mong sabihin na 18 years old ka palang ok? Mabubuko tayo at baka mag back out ang kliyente pag nalaman niyang masyado ka pang bata. Sayang din ang kikitain natin dito, lalo na ikaw. Hindi ba't kailangan mo nang malaki halaga," litanya ni Beth sa kanya. Sa bar nagtatrabaho si Beth at pinakilala siya ng kaklase niyang si Lexie na suma sideline sa bar para may pang tuition sa kolehiyo. Nasa first year na siya sa kursong Education, nais niyang maging guro at makapagturo sa mga batang walang pambayad sa eskwelaan. Nais rin niyang makapag aral at makapagtapos para naman sana kahit sa kanilang limang magkakapatid ay may makapagtapos man lang ng pag-aaral. Mga tauhan lang sa Hacienda Leonardo ang nanay at tatay niya at nakatira sa pabahay sa

