"Anong ginagawa ni Sir Marcus dito, Amara?" Bulong na tanong sa kanya ni Manang Manang Hilda nang makalabas na si Marcus sa kusina. "Kumuha po siya ng tubig," pagsisinungaling niya at tinuloy ang ginagawa. "Amara, umiwas-iwas ka diyan kay Sir Marcus ah," sabi pa nito. "Bakit naman po Manang?" Tanong niya pero may idea na siya kung bakit. "Balita sa tatlong magkakapatid si Sir Marcus ang pinakababaero. Matakaw daw iyan sa mga babae, kaya ikaw Amara ingat ka. Maganda ka pa naman," litanya nito sa kanya. "Hindi naman po siguro ako mapapansin ni Sir Marcus. Kasambahay lang naman po ako dito sa mansyon," malungkot niyang tugon. "Naku walang kasambahay, kasambahay sa mga lalaking matutulis katulad ni Sir Marcus. Kaya ingat ka na lang Amara, baka mapansin ka ni Sir Marcus. Mga ganyan panigu

