Pagdating sa bahay ng mga magulang niya nagulat pa siya nang madatnan si Marcus roon, ang pagkakaalam kasi niya ang Papa at Mama lang niya ang makakasama sa dinner nila. Ngayon pa naman niya sasabihin sa mga magulang ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Savannah. "Buti andito ka?" Hindi niya napigilang itanong kay Marcus nang makita ito sa may sala. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsulyap ng kapatid sa asawa niyang nakatayo sa tabi niya. Hindi niya iyon nagustuhan. Hindi niya gustong tinitignan ng kapatid niya ang asawa niya. "Ano namang masama kung andito ako?" Sarcastic na tugon sa kanya ng kapatid, saka nalipat ang tingin nito sa kanya. Nagkatitigan pa sila nito. "Oh, Marco, Savannah, andito na pala kayo," tinig ng Mama niya ang umagaw sa atensyon niya mula sa kapatid. Agad na lumapi

