Marcus-16

1305 Words

Nais niyang itulak, sipain, tadyakan at kung anu-ano pa ang nais niyang gawin kay Marcus para lang makaiwas sa halik nito. Pero ni isa sa mga nais niyang gawin laban sa binata ay nakulong lang sa isip niya, dahil iba ang kinikilos ng sarili niyang katawan lalo na ang labi niyang nasisiyahan sa paghalik ni Marcus sa kanya. Pakiramdam niya may sariling isip ang katawan niya na kusang sumusunod sa bawat ikot ng labi ni Marcus sa labi niya. Napansin niyang napapikit pa siya ng mga mata, habang patuloy si Marcus sa paghalik sa kanya. Kung kanina may pagmamadali at dahas ang uri ng paghalik nito ss kanya, ngayon naman ay unti-unting bumagal na lalong naghatid sa kanya ng init sa buong katawan. Kung hindi lang sakop marahil ni Marcus ang labi niya at mapapaungol pa siya sa kakaibang pakiramdam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD