Chapter 53 -Mastermind

1848 Words

Lingid sa kaalaman ni Ivan ay may mga matang nagmamatyag sa kanya mula pa ng umalis siya sa mansion kasama si Rose. Sinundan sila ng mga ito kahit sa isla at patuloy na nimanatyagan sila saan man sila magpunta. Walang kaalam-alam si Ivan sa panganib na nakaabang sa kanya na naghihintay lang ng tamang pagkakataon at tamang oras. “Paano natin matitira ang isang yan kung kasama niya mismo ang kliyente natin, Romeo?” “Ang labo rin kausap ni Rose, pare. Pinapatumba niya sa atin ang asawa niya pero heto siya ngayon at kasama ito dito.” “Baka naman ang gusto niyang mangyari ay palabasin na may nangyaring masama sa asawa niya habang kasama siya ng sa gayon ay walang makapag-isip na kasabwat siya sa plano natin na iligpit ang Ivan na yan.” biglang napaisip si Romeo sa sinabi ng kasama niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD