Ganito pala ang feeling that you are doing something for someone who is special in your heart. Ganito pala ang pakiramdam na pinagsisilbihan mo ang taong mahal ng puso mo at mahalaga sayo. Iba. Ibang-iba sa pakiramdam at ibang-iba yung joy sa puso mo. I have served my father in my own little ways in the past but I haven’t felt this indescribable joy that I feel right now. Hindi ko ma-explain yung saya na nasa puso ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang tamang salita para i-describe ang nararamdaman ko ngayon while I am taking a bath and preparing for sleep. Kanina ng abutan ako ni Ivan sa nursery room ay kabado ako na baka mabisto niya na hindi ako ang asawa niya. Na baka maka-halata siya na hindi ako si Rose. Pero ng nasa kitchen na ako and started to do what I love doing, nawala ang laha

