SHADON’s POV Ayan na ang sinasabi ko kaya ako maingat! Kakagaling ko lang sa palengke dahil nandoon ang aking misis. Basta siya ang magbubukas ng pwesto nila sa palengke ay sinusundo ko ito sa kanilang bahay at ihahatid ko sa pwesto. Tinutulungan ko rin siyang magbukas. Hindi nga lang ako nagtagal sa palengke dahil nandito ang pamilya ko. Dumating sila kagabi para bisitahin ako at para na rin makapag-relax sila. Mabuti nga at naka-uwi na rin ako kagabi bago pa sila dumating. Nitong mga nakaraang araw ay ang misis ko na ang laging nagbubukas ng pwesto. Nagbakasyon ang parents niya. Makabawi man lang daw sa mga panahon na walang oras ang Mommy at Daddy niya sa isa’t isa. Wala na siyang pasok, tapos na ang kanyang obligasyon sa hospital. Ilang araw na lang ay graduation na niya. Ilang ar

