SHADON’s POV
Gusto kong halikan si Diane pero hindi ngayon at hindi rito sa bahay nila Mae.
May nag-uudyok sa akin na gawin ang nais niya pero mas malakas ang sinasabi ng kalahati ng utak ko na mali. Sinubukan kong sundin kahapon ang kabilang part pero hindi naman naging maganda ang kinalabasan. Hindi ko dapat madaliin dahil hindi siya magiging masarap at kapana-panabik kong kukunin ko na hindi normal ang isang tao.
Lasing pa rin ito pero kahit papaano ay tumahimik na rin si Diane. Si Mae ang nagpunas sa kanya.
“’Nong pakihatid na lang po sa kanila. I-text ko na lang po si Ninang Donielyn para malaman niyang safe na makakarating si DJ. sa bahay nila. Ingatan mo, ‘Nong, ha.” Bilin ng aking inaanak.
“Okay, inaanak. Safe siya sa akin. Huwag kang mag-aalala. Aalis na kami at dumidilim na.” Tulong kami ni Mae sa pag-alalay rito. Alam ko naman na lasing siya kaya kahit nagdidikit ang mga katawan namin ay hindi ko ine-entertain tulad kanina na nasa loob kami ng simbahan. Papasakitin ko lang ang puson ko kung bawat dikit ng dibdib niya sa katawan ko ay bibigyan ko ng malisya.
Ako na kasi ang umalalay sa kanya sa pagsakay niya sa sasakyan dahil hindi naman kaya ni Mae at hindi naman pwedeng dalawa kami na magsasakay rito. Sa likot nga ni Diane ay nasagi pa nito ang aking umbok, dahil sa malikot nitong kamay. Pero malakas pa rin ang pagtitimpi ko.
“Ingat po kayo ‘Nong.”
“Salamat. Alis na kami.” Sumakay na rin ako at pina-andar ko na ang aking sasakyan.
“Masusuka ako, itigil mo.” sambit nito at tinakpan ang kanyang bibig. Nasa gitna kami ng kalsada kaya hindi ko agad naitabi ang sasakyan. May mga nasa likuran pa naman na kay bibilis magpatakbo. Nagsuka ito sa loob ng aking sasakyan.
Nang maitabi ko sa gilid ay mabilis din siyang lumabas at nagpatuloy pa sa pagsusuka. Mukhang nahimasmasan siya dahil sa inilabas niya.
Sinundan ko rin agad ito at hinaplos ko ang kanyang likuran. Nasa damuhan kami at marami pa ang bakanteng lugar dito sa bayan namin.
“Kukuha lang ako ng tubig.” Sambit ko rito. May mga bottled water sa sasakyan. Nandito talaga ito dahil reserba ko ito para kung abutin ng uhaw at para rin sa radiator ng sasakyan. Mas mabuti na ang laging handa.
Binuksan ko na ito at iniabot sa kanya. Nakaupo na ito sa isang malaking bato. Nakakramdam pa siguro siya na tila masusuka.
“Here’s the water, drink it.” Inabot ko sa kanya ang bottled water.
“Thank you.” Nakasagot na ito. Nahimasmasan na siguro ito pero hindi pa rin siya tulad ng normal. Alam mong hindi pa rin siya ganoon kalakas.
Nagmumog lang ito. Hindi niya ininom.
Okay lang kahit anong gawin niya. Basta binigyan ko na siya ng tubig.
“Linisin ko muna ang sasakyan mo. May mga newspaper ka ba o malalaking papel? Kung wala kahit tissue na lang papalitan ko na lang.” wika nito.
“Ako na lang ang maglilinis. Pahinga ka muna dyan.” Sambit ko sa kanya. “Kung kailangan mo pa ng tubig ay meron pa ako sa sasakyan.” Tiningnan nito ang hawak niyang bote ng tubig.
“Nakakahiya naman, distilled water pa ang pangmumog ko. Siguro ibang linis na ng bibig ko nito.” Sambit niya sa akin. Hindi ko naman sinagot ang sinabi niya. Nagtungo ako sa sasakyan ay inalis ko ang sapin. May ilang dumi pero pinunasan ko na lang. Mabuti at nasalo lahat nitong sapin. Pwedeng sa compartment ko muna ilagay kapag naalis ko na ang suka niya. Nag-spray rin ako para hindi na siya masuka pa.
Hindi naman ako nandiri. Kung iba siguro, baka hindi ko pa ito linisin. Pero si Diane ang sumuka kaya okay lang sa akin. Kung hindi siya naka-inom baka hindi ko rin siya maihatid dahil tatangihan ako nito. Ayos na kaya binalikan ko na siya sa pwesto niya. Nakatingin ito sa akin habang papalapit ako sa kanya.
“Pasensya na Manong. Hindi ko gustong masukahan ang sasakyan mo.”
“Okay lang, Diane. Pwede bang Shadon na lang ang itawag mo sa akin? Masyado naman akong tumatanda sa tawag mo. Ilang taon lang naman siguro ang tanda ko sa iyo.” Sana naman ay maging maganda na ang usapan namin nito.
“Ah, ganoon ba. Ilang taon ka na ba? Lahat naman sila ay halos Manong ang tawag sa iyo.”
“Twenty-five years old ako. Ikaw ba ilang taon ka na?” tanong ko naman dito. Madilim na pero malapit kami sa poste ng ilaw kaya naman maliwanag pa sa aming pwesto. Hindi naman iisipin ng mga tao na may ginagawa kami nitong milagro sa lugar na ito.
“Twenty-one at graduating na.” sagot naman niya sa akin.
“May boyfriend ka na ba, Diane?”
Tumingin ito sa akin imbis na sagutin ang tanong ko. At saka siya umiling. Napatingin ako sa paanan ko bago ako nagsalita.
“So, available ka pa pala? Pwede ba akong manligaw? Huwag kang mag-aalala at magsasabi rin ako kay Aling Donielyn. Gusto kong malaman mo na gusto kita. Kaya magpapaalam ako para maka-akyat ako ng ligaw sa bahay ninyo. Okay lang ba sa iyo?” Nakatitig pa rin ito sa akin. Baka ayaw niya dahil may crush na siya. Hindi kaya ‘yung lalaki kanina sa may simbahan ang crush nito?
Wala siyang isinagot.
“Okay lang kung hindi ka pa ready o baka dahil basted na agad ako sa iyo.” Wala pa rin itong sagot sa akin. “Ihatid na kita at gumagabi na.” yaya ko na rito. Tumayo naman siya at lumakad na. Nilakihan ko ang hakbang ko para mapagbuksan ko siya ng pinto.
Tiningnan lang ako nito at siya na rin ang nagkabit ng kanyang seatbelt. Kanina ay ako ang nagkabit dahil lasing pa siya. Pero ngayon ay may ulirat na siya.
Sumakay na rin ako sa aking upuan. Nagmaneho na ako patungo sa kanila. Okay na rin na nakasuka siya dahil okay na ang pakiramdam niya. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag kay Aling Donielyn.
Tahimik lang ako at ganoon din siya. Kung kay Diane ay basted na ako, hindi ko na kailangan pang kausapin ang kanyang Mommy para magpaalam na aakyat ako ng ligaw. Baka hindi talaga kami para sa isa’t isa na dalawa.
Pagtigil ng sasakyan ay mabilis lang din bumaba si Diane. Hindi na niya nahintay na ipagbukas ko pa siya.
Ang lakas kanina ng loob ko na magsabi agad sa kanya na manliligaw ako pero ngayon at para na akong pinagsakluban. Hindi na ako makaporma. Tinitingnan ko ito habang papasok sa kanilang gate. Pero huminto ito at nilingon ang aking sasakyan. Hindi naman niya ako kita dahil tinted ito.
Bumalik siya at kinatok ang aking bintana.
Ibinaba ko ito.
“Thank you, Shadon. Pumapayag ako na ligawan mo ako. Ingat ka pag-uwi.” Mabilis na itong tumalikod at nagtungo sa gate. Hindi na siya lumingon pero ang ngiti ko ay halos umabot sa aking tainga.
Pumayag siya na ligawan ko siya. Pwede akong umakyat ng ligaw. Gusto kong tumalon sa tuwa, hindi kaya ako ang crush niya?
"Huwag kang mag-assume, Shadon. Lasing lang siya kanina!" sinasabihan ko ang sarili pero natatawa naman ako. Basta malaking points na iyon na pumayag siya.