SHADON’s POV
Natatawa ako kanina. Iba-iba ang reaction ng mga taong kasama ko kanina.
Si Analyn, parang ayaw akong maging ninong. Hindi ko alam kung bakit? Ang alam ko lang ay hindi rin gugustuhin ng kapatid ko na maging inaanak niya ito.
Si Manga Anacleto ay tila natatawa sa akin. Hindi ko pa sa kanya nasasabi ang dahilan pero alam ko na nakahalata rin siya.
Si Diane, parang tamang duda siya sa akin. Pero masaya ako kasi nakalapit ako sa kanya at hindi lang basta lapit ang nangyari sa aming dalawa. Naramdaman ko pa ang katawan niya sa aking likuran. At kanina na humarap ako sa kanya, nungkang yakapin ko na siya at muling paglapatin ang aming mga labi. Kaya lang ay nasa simbahan kami at ang daming tao.
Si Mae, kinuha rin niya akong ninong at alam niya ang kalokohan ko. Pero may hindi pa rin naman siyang hindi alam. Ang tungkol sa paglalapat ng mga labi namin ni Diane kahapon. Siya ang contact ko kaya alam ko kung saan sila nakapwesto. Lakasan lang ng loob pero may halong kaba dahil baka malaman ni Diane na ginaya ko ang katauhan ng aking kapatid na si Shador.
Kasama ko pang nagkalong kay Mae ang lalaking may gusto rin sa Diane ko. Dalawang pares daw kami sabi ni Mae. Kaya ako lumapit para dalawa silang inaanak ko na naroon. Ayaw ko nga sana humiwalay kay Diane kaya lang ay baka makahalata siya kaya binalikan ko rin sina Mang Anacleto.
Nagpaalam lang din naman ako sa kanila at umuwi ako ng bahay para magpalit ng damit at bumalik sa dati kong anyo. Sa Shadon style. Pupunta rin ako kanila Mae dahil ibibigay ko pa sa kanya ang regalo ko. Kahit si Ate Zel ay hindi alam ang pinaggagawa ko. First time kong magkalong sa kumpil at kumare ko pa ang crush ko.
Sinabi ko na rin kay Mae. Mas mabuting may nakakaalam para hindi ako mahirapan kumuha ng mga importanteng impormasyon. Mapagkakatiwalaan naman ang inaanak ko. Nangako naman siya sa akin na secret. Kahit si Ate Zel ay walang alam.
Mabilis akong kumilos dahil nasa bahay nila Mae si Diane. Kahit na proxy lang siya ni Aling Donielyn ay siya pa rin ang kumare ko.
Sabi ni Mae, hindi niya sinabi na ninong niya ako.
Pagdating ko kanila Mae ay sinalubong ako nito. Iniabot ko ang regalo ko sa kanya. Malayo pa lang ay nakita ko na si Diane. Gamit ko pa rin ang pabango na sinasabi niyang mabaho. Hindi ako naniniwala dahil ang bango ko nga. Saka kailangan kong gamitin ito para hindi magkatotoo ang hinala niya sa akin.
Hindi ko inaalis ang ngiti ko kay Mae at nung nakita kong papihit ang katawan ni Diane sa direksyon namin ay mabilis kong bahagyang inakbayan si Mae. Ang daliri ko lang naman ang nakapatong dito at walang malisya iyon. Patuloy ang kwentuhan namin na siya ang topic.
Ako naman ang tumalikod sa kanya. At si Mae ang nakaharap habang nakatapat ang phone niya sa may lugar nila Diane at Ate Zel. Gusto ko lang makita ang reaction nito habang kausap ko si Mae.
“Ninong, binabawasan ang pagkain niya. Mukhang nahiya na, kanina nagugutom na raw siya pero ngayon biglang isinalin sa pinggan ni Ate Zel ang ibang pagkain. Mukhang nahiya bigla dahil nandito ka.” Pasimpleng wika ni Mae. Makikita ko naman ang lahat dahil phone ko ang hawak ni Mae.
“Nagseselos yata Nong. Sabi ko sa iyo malakas ang pakiramdam ko na may tama rin siya sa iyo. Kung ligawan mo na kaya.” Pambubuyo pa nitong inaanak ko.
Balak ko naman talagang ligawan siya dahil may ibang umaaligid din sa kanya. Kanina nga lang, eh. Pasimple pa ang isang ninong ni Mae. Mabuti nasabi rin niya sa akin. Kaya talagang backs out siya kanina sa akin. Makadikit siya kay Diane, hindi talaga ako papayag. Ako lang dapat ang kadikit niya. Hindi pwedeng may ibang lalaki ang maramdaman ang katawan niya.
Nagpasya na akong kumuha ng pagkain. Patuloy pa rin ang pagkausap ko kay Mae at may patawa-tawa pa kaming dalawa.
“May bisita ka palang iba?” tanong nito kay Mae. Hindi ko na lang siya tiningnan para malaman niya na hindi ako interesado sa kanya. Kunwari na wala akong narinig.
“Mae, masarap ba ito? Ikaw ba ang nagluto nito?” Alam kong hindi naman siya pero gusto ko lang malaman ang magiging reaction ni Diane. Nakikita ko sa isang sulok ng aking mata ang masama nitong tingin sa akin. Deadma pa rin ako rito.
Tinawag naman si Mae ng Nanay niya kaya naiwan na akong mag-isa.
“Manong Shadon, kanina pa kami rito parang hindi mo kami kilala. Si Mae lang ang tila nakikita mo.” wika ni Zel.
“Bakit mo pa siya kinakausap? Okay lang iyon. Sino ba siya? Pwede naman tayong dalawa ang mag-usap.” Malakas na wika ni Diane at inismiran pa ako nito.
“May importante lang kaming pinag-uusapan ni Mae, kaya nasa kanya ang atensyon ko. Kumusta naman kayo? Ninang pala kayo ni Mae, nabanggit niya kanina. ‘Yung kapatid ko ang nandoon kanina. Nakita ba ninyo? Si Mae nakita niya, siguro nakita n’yo rin?”
“Ay kapatid mo pala talaga iyon. Medyo makulit din po. Bakit hindi ninyo isinama?” Nakatingin sa akin si Diane.
“Ah, nandoon sa kanyang kinalong sa kumpil. Ako kasi niyaya ni Mae rito sa kainan kaya nandito ako. Kumain ulit kayo.” Yaya ko sa kanilang dalawa. Si Zel lang ang tumitingin sa akin. At tinalikuran na rin ako ni Diane.
Nangingiti ako sa isipan ko dahil halatang nagseselos ito talaga. Sana lang ay hindi magtagal dahil baka sa kakaasar ko sa kanya ay matuluyan talagang maasar ito sa akin.
Mamaya ko na lang siya kakausapin. Kumakain pa ako. Pero ganado naman akong kumain dahil malapit lang ito sa pwesto ko. At kahit iniirapan niya ako ay natutuwa pa rin ako dahil iba ang dating sa akin ng mga pag-irap niya.
Tahimik na kami habang ako ay kumakain pa rin.
“Sisimulan na ba natin ang pag-tagay? Ngayon lang ito dahil wala naman pasok sa hospital si DJ.” Ani Mae.
“Go rin ako. Hindi lang tayo papakalasing dahil Monday bukas at may pasok tayo sa palengke.” Segunda naman ni Zel.
“Ge, simulan na natin.” Sumagot din si Diane. Ngayon ko lang nalaman na umiinom pala siya.
Hindi naman ako kasali dahil para sa mga babae lang iyon. Saka hindi ako pwedeng uminom dahil ako rin ang driver ng sasakyan ko. Mahirap mag-drive na naka-inom. Pero pwedeng maghatid ng naka-inom na babae.